27. Hold You

2.6K 42 3
                                    

Sinong mag-aakala na matitiis ko ang isang linggo na hindi nagpapasinan ni Jared?

Well, as obvious as it appears…nakayanan ko.

Pero bawat araw na nagdaraan, parang pinapatay ako.

I wish na maibalik yung lahat ng tawanan namin ulit, lahat ng kulitan, lahat ng asaran… Sana rin, maibalik yung feeling na nararamdaman kong mahal niya ako…kahit hindi totoo.

Napaka-gloomy ng atmosphere sa bahay ngayon.

 Dinaraanan lang naming ang isa’t-isa a parang hangin, like the other never existed at all.

Minsan parang bigla ko na lang siyang gustong hilahin at yakapin, pero napangungunahan ako ng takot.

Mas napangungunahan ako ng takot.

Ano nga ba ang nangyari nang gabing iyon?

Kung ako ang tatanungin…hindi ko rin alam. Matapos kong mag-inarte  at sabihin sa kanyang tapos na ang drama namin, siya pa ang nagalit.

Don’t I deserve to be treated like a human too? I have feelings you see.

Halos hindi ko masuri kung ano nga ba ang kahulugan ng titig niya sa akin…parang inis na galit na ewan.

And for the first time in my life, hindi ako naawa sa kaniya.

Patatagan kami.

 Pasensya na lang sa kaniya, kasi kung hindi ko nakita at narinig ang mga nangyari sa pag-uusap nila ni Charry, siguro mauuto pa niya ako.

Kaso, nandun ako eh. Nasaksihan ko...

Kitang-kita ng dalawang mata ko na magkahawak kamay silang naglakad papalayo sa amin…sa akin.

Hindi ba niya maalala na naroon ako? Nakita pa nga niya ako at tinignan ng masama eh.

Ano ba Jared, Tanga o tanga-tangahan ka lang?

Malinaw na malinaw sa akin na puputulin na naming ang fake relationship naming kapag naibalik ko na sa kaniya ang ex niya.

And then now, it happened.

But why does it seem like he doesn’t want to let go of me yet.

Even though we’re not talking, his gestures still puzzle me, like he still cares.

Hindi ba niya alam na nahihirapan ako?

Parang pinipilit niya akong bilhin ang isang bagay na mayroon nang may-ari, yung tipong kahit gaano kalaki ang pera ko, hinding-hindi ko ito makukuha.

Ang hirap.

Nahihirapan na ako. Sobra.

Mahal na mahal ko siya kaya ganito. Kaya nababaliw ako ng ganito.

Yung pakiramdam ko, sasabog na ako at parang gusto ko nang manakit ng tao. I wanted to cry my heart out…I wanted to cry everything out, maybe that would be the best way to ease the pain somehow, pero ewan ko nga ba sa mga mata ko at hindi na naubusan ng luha.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon