NANDITO NA KAMING LAHAT ngayon sa garden na nirentahan ni Jared para sa date nila ni Charry, matagal din niyang pinag-ipunan ang ipinambayad niya dito, ang mahal kasi.
Maganda dito, maraming puno at mga bulaklak na iba’t ibang uri. May malaking gazebo na kulay puti at pa-arko ang bubong sa gitna, eleganteng-elegante ang dating. Doon kami nag-set ng dinner table for two, lahat ng pagkain na ihahain ay iniluto ng talented na Bestfriend ko.
Sa paligid ng hagdan ay naglagay kami ng iba’t-ibang sizes ng puting kandila, kaya naman kapag dumilim na, siguradong magiging maganda ang effect nito. Napaka-sweet at romantic.
Sa aisle na lalakaran ay may nakakalat na mga pink petals ng roses, dahil yun nga daw ang paborito ng girlfriend niya. O diba, parang ikakasal lang.
At hindi lang doon nagtatapos ang pasabog, dahil maya-maya lang ay may mga fireworks pang maglalabasan pagpatak ng alas diyes ng gabi. Napaka-special talaga ng gabing ito para sa kanilang dalawa.
Sa mga pagkakataong ganito, lalo kong hinihiling na sana ako na lang si Charry. Pero, kailangan ko munang isantabi iyon dahil ang gabing ito ay para sa kanila, wala munang ‘ako’…e kailan nga ba ‘ako’ nagkaraoon ng puwang dito?
“Katy!”
Pagpukaw sa atensyon ko ni Ron, Hindi ko napansin, sinisipa ko na pala ang mga petals na nilalagay niya sa sahig.
“Sorry.” Nag-peace sign ako.
“Halika na nga dito, pagabi na, kailangan na nating magbihis.” Nilapitan niya ako at inakbayan, habang inaakay ako papalayo sa lugar.
“Magbihis? Para saan?”
“Ah…nakalimutan mo na ba? Kakanta pa tayo mamaya.”
“Oo nga pala, si Emac, hindi na ba darating yun?”
“Kanina pang umaga wala eh. Tinatawagan ko di naman sumasagot.”
“Ah…si Gab?”
“Umuwi muna, kumuha ng gitara.”
Oo, kakanta pa kami mamaya, parte kami ng plano. Yung tipong dapat daw matunaw ang tuhod ni Charry habang ginagawa namin yun.
>LIZ’s POV
Kanina pa ako naghihintay sa may main gate ng school, hindi pa rin dumarating yung driver ko. Kanina ko pa siya tinatawagan pero mukhang naka-off an cellphone niya. Pag nakita ko yun, aawayin ko talaga siya.
Takipsilim na at ilang sandali na lang magdilim na ang paligid. Nakauwi na ang halos lahat ng tao sa school, nandito pa rin ako.
Naiinip na ako! Makapaglakad na nga lang.
Unti-unti akong humakbang papalayo sa school, sa totoo lang hindi ko pa gaanong alam kung ano ang pasikot-sikot dito sa lugar na ito dahil nga bago lang ako, kaya naman maganda siguro na i-explore ko ito this time.
Si Katy pa lang ang nagiging kaibigan ko sa bago kong school, kasama na rin doon yung ilan sa mga kaibigan niya. Mabait si Katy at maging ang mga kaibigan niya ay ganoon din…maliban na lang dun sa isang lalake, yung Emac, at wala na akong balak makipagkilala pa sa asungot na yun.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanficSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...