13. Be My Number Two

3.1K 47 10
                                    

“Be my number two.” He stared intently into me. Eyes burning with passion. Napaka-informal ng salitang ginamit niya sa pagtatanong sa akin but his voice is enough to make it sound surreal.

Kahit ano naman kasi ang gawin ko…hanggang number two lang ako, yan na ang highest rank ko sa puso niya.

“Jared…” I paused. “Gusto mo ba talagang magkabalikan kayo?”

“Oo naman.”

“Eh ano yang sinasabi mo?”

Ngumiti siya. “It’s part of the plan.”

“A-anong plano?” nauutal kong tanong, dahil sa totoo lang wala akong ideya sa sinasabi nito.

“Pagselosin natin siya, kunwari girlfriend kita, at kapag nagawa natin yun successfully babalik na siya sa akin. Jealousy is every girl’s waterloo, you know that.”

Oo, alam ko talaga, alam na alam ko.

I breathed hard, trying to weigh the pros and the cons.

Actually, mas maraming pros, yung tipong halos lahat na ng pangarap ko sa buhay ay matutupad ng deal na ito. Isa lang naman ang con –yun ay ang masaktan ng bonggang-bongga sa huli.

“Katy, ano na?” naiinip na siya.

“H-hindi ko kaya.” Tigagal kong pag-amin.

He squeezed my palm.

“Be my number two, Katy, please?”

Ang kulit niya.

Nasasaktan ako, oo, nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, kung pwede ko lang siyang sampal sampalin para magising siya sa katotohanan na kahit kailan ay hindi na siya babalikan ni Charry, kanina ko pa ginawa.

Kung pwede ko lang ipangalandakan sa mundo kung gaano ko siya kamahal, matagal ko na sigurong ginawa, kaso hindi ko kaya. Hindi ko kayang malaman na baka kapag ginawa ko iyon, mawala siya sa akin. I can’t take the risk. I don’t want to lose him.

Kung pwede ko lang din ipamukha sa kanya kung gaano kami ka-tanga parehas, pagdating sa pag-ibig, matagal ko nang ginawa, kaso ito ako eh, martyr. And the cycle goes this way: I love him, he loves her, and she loves somebody else.

Hindi ba pwedeng kami na lang at sila na lang para hindi na magulo?

“Jared, lasing ka lang. Ipagpabukas na lang natin itong usapan na ito.” Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko sa kamay niya, pero hindi ko magawa, dalawang kamay na niya ang pumipigil sa akin.

“Hindi. Ako. Lasing.”

Hindi nga ba? Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya. Isa pa, ni hindi na nga niya kayang buhatin ang katawan niya dahil sa sobrang pagkalango.

Nagtitigan lang kami, hanggang sa magsalita nanaman siya.

“Hindi ba sabi mo sa akin kanina, hindi mo ako iiwan? Alam mo, sinabi rin ni Charry sa akin dati yan, at hindi niya natupad yun, ikaw, kagaya ka rin ba niya?”

Kinokonsensiya niya ako, bakit niya ako kimukumpara sa isang taong kayang-kaya siyang iwan ng ganun na lang? Hindi. Hindi ako gaya ni Charry.

“Hindi…kaya, pumapayag na ako sa gusto mo.” Pikit mata kong sabi sa kanya para naman tumigil na siya.

“Thank you Kate. Thank you! Wag kang mag-alala, aalagaan kita.” Ngumiti na rin siya, placing my hand to where his heart is. Niyakap niya ako. Nanlambot ako bigla.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon