40. Clarity

1.9K 31 1
                                    

“Galingan mo Katy ha! Nandito kami para sa’yo!” Iyan ang bati sa akin ng lahat ng taong makakasalubong ko habang papunta ako sa backstage.

Halos lahat sila nagchi-cheer para sa akin. Okay lang naman yun, natutwa ako sa mga sinasabi nila na malakas nga daw ang laban ko sa kompetisyong ito. Alam kong marami ang nagtitiwala sa akin, ngunit mali ba kung sasabihin kong sa likod ng lahat ng suporta nila ay may kulang pa rin?

Alam niyo na siguro kung ano yun.

Sa isang tao ko lang naman gustong marinig ang lahat ng iyan eh. Maiparamdam man lamang niya sa akin ang suporta niya sapat na sa akin iyon.

“Uy Kate! Tara na dito, aayusan ka na daw.” Hinila ako ni Justin papunta sa tapat ng isang malaking salamin kung saan nagsimula na akong ayusa ng babaeng hindi ko kilala agad agad. Akalain mong nang-hire pa ang school ng glam team para sa akin? Siguro malaki din ang tiwala nila sa kakayanan kong ipanalo ang kompetisyon ito.

“Ah…salamat nga pala ulit ha, Justin.” Sabi ko sa kaniya dahil baka kinalaunan ay hindi na ako makapagpasalamat, kaliwa’t kanan na rin kasi ang kumakausap sa akin dito ngayon.

Tumango lang siya bilang sagot at nagsimula na ring magbihis para sa prod namin.

Tahimik lang nakaupo habang inaayusan ng babae, sumusunod lang ako sa mga sinasabi niyang pagpikit, pagbuka ng mga mata, pagngiti at pagstretch ng mga labi. Siyempre ayoko namang magmukhang pangit sa make up ko.

“Alam mo, hindi ka na dapat inaayusan eh.” Sabi sa akin ng babae na nakilala ko bilang si Ate Ruth.

“Bakit naman po?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

“Natural na kasi ang ganda mo.” nakangiti niyang binanggit, habang aliw na aliw pa rin namang nilagyang ng bronzer ang mga gilid ng mukha ko.

Na-flatter ako sa sinabi niya, biglang nag karoon ng blush on sa mga pisngi ko kahit hindi pa naman niya nilalagyan. Naalala ko, wala pang ibang tao ang nakapagsasabi ng bagay na iyan sa akin ng deretsahan maliban…sa kaniya, siyempre ngayon pati si Ate Ruth na.

“Salamat po ha.”

“Walang ano man, totoo naman kasi eh. Kanina ko pa napapansin, bukod sa akin,” pabiro niyang banat,  “ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng narito ngayon.”

Sabay naming inikot ang mga mata sa paligid, narito din kasi sa backstage maging ang lahat ng mga contestants from our school at from other schools na kasali. Natutuwa akosa mga nakikita kong kagandahan ng iba’t-ibang babae, sa isip ko’y binobola lang siguro ako ng mga tao dito dahil lahat ng mga makakalaban ko ay talaga naman mas may ibubuga kumpara sa akin. Until my eyes landed on one person…she has the same color of sash na meron ako kaya sure akong iisang school lang ang nirerepresent namin.

Nagulat ako nang malamang kasali siya dito, hindi ko alam kung bakit wala siya lagi sa dance practice siguro, iba ang gagawin niyang talent nahati kasi sa dancing and singing ang representatives sa school namin…pero the most awkward thing is, siya lang naman ang babaeng nakita kong kahalikan ni Jared noong isang araw.

“Ate Ruth, sino siya?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa babae. Wala akong karapatan pero bigla akong nakaramdam ng galit sa kaniya.

“Yung babaeng yun?” tumingin din siya sa direksyon na itinutukoy ko, wala namang ibang nakaupo sa pinaka right corner ng kwartong ito, isang babae at isang baklang taga-ayos lang. Kaya sigurado akong parehas kami ng nasa isip ni Ate ruth, “Siya si Pamela Kingson. Magasapang ang ugali niyan, mag-ingat ka.” Babala niya sa akin.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon