18. All About US

3K 52 3
                                    

Hey Miss meandmydreamworld :))) dedicated po sa iyo ang chap na ito, i know it's a little late pero, gusto ko lang i-express ang gratitude ko through this :)))

-------------------------------------------------------------------------------------------

NAGMAMADALI akong naglakad palayo sa comfort room, iniwan ko sina Liz at Charry dun. Hinihiling na sana ay walang gulo ang mamagitan sa kanilang dalawa.

Kilala niyo naman si Liz diba, masyado siyang prangka, baka hindi sila magkaintindihan.

Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na napansing may kasalubong pala akong kaparehas ko na tanga.

BOGSH!

“Ouch!” Napaupo ako sa sahig.

“Aray…shet…”anas ko habang sinasapo ang nabugbog na balakang.

Suddenly, a hand flashed in front of me, offering a help.

“Okay ka lang miss?” tanong niya habang itinatayo ako.

“Obvious bang hindi?!” Like duh? What’s wrong with people today?

Sino ba namang magiging okay matapos bumagsak sa sahig diba?!

Hindi ko muna siya tiningala, nagpagpag pa ako ng palda.

“Sorry, hindi ako nakatingin sa daan ko eh.” I heard him chuckle.

Ano ‘to, tinatawanan pa niya ako?

 Tumingin na ako sa kanya sa wakas…and to my surprise….

The guy that is standing in front of me now, is the same guy that I’ve met a day ago.

Serendipity.

“Alex?”

Pinisil-pisil ko pa ang braso niya para makasiguro na tao nga siya.

Bigla akong natuwa.

“Yes. Ako nga Katy.” Tumango-tango siya.

Nakatayo siya sa harap ko, naka-school uniform namin siya. Does this mean na dito na siya mag-aaral?

“Gah! Dito ka na mag-aaral?” stating the obvious.

“Oo. Utak naman, uniform ‘to ng school niyo, I mean, school natin diba?”

“Tse! Ang yabang ah, wala ka pa ring pinagbago.”

“Ganun talaga.” Ngumiti siya at napahawak sa batok.

Isa yan sa mga mayayabang na gestures niya na hindi na maaalis sa DNA niya.

“Bakit nga pala hindi mo sa akin sinabi na dito ka pala mag-aaral nung nagkita tayo?”

“Sabik kasi sayo yung boyfriend mo, hindi na nga tayo nakapag-usap ng matagal non eh, ang dami ko pa naman sanang gustong i-kuwento sa’yo poks.”

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon