MAGKAHAWAK KAMAY naming tinungo ang mall, wala akong pakialam kahit pagtinginan pa kami ng mga tao kasi masaya ako.
“Where to?” tanong niya sa akin habang nag-iikot kami.
“Gutom na ako eh.”
“Saan mo ba gusto.”
“Kahit saan.”
Tumango lang siya, “Eh ano bang gusto mong kainin?”
Nag-isip ako ng bahagya, pero wala namang specific food ang pumapasok sa isip ko kaya naman sabi ko, “Kahit ano.”
Tumigil kami sandali at hinarap niya ako. “Pag-tanda ko, magtatayo talaga ako ng kainan at tatawagin kong "KAHIT SAAN RESTAURANT", tapos ang laman ng menu, Kung Ano Sa Iyo, Ganun Na Rin Sa Akin; Kung Ano Masarap; Kahit Ano—“
“Tumigil ka nga diyan, matanda ka na at isa pa, narinig ko na kaya yan, lumang joke na yan, tara na nga sa Mcdo!” Iritable ko siyang hinila paakyat ng elevator, ang dami pa kasing sinasabi.
Natatawa na lang siyang sumunod sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa fastfood, pansin ko agad ang matatalim na titig ng mga tao sa amin…hard to admit pero, maganda kasi talaga ako, kidding!
Well as usual dahil sa kasama kong nuknukan at umaapaw ang kagwapuhan, palibhasa kasi noong nagpasabog ang langit ng kagwapuhan sa buong mundo, inangkin niya lahat.
Pero…hindi talaga dahil sa kanya o sa akin ang dahilan kung bakit eh, ang totoo ito ay dahil sa pagiging sobrang sweet niya sa akin. Wagas maka-Public Display of Affection o PDA! Yung tipong konting kibot ko lang, hinahatak niya agad ako papalapit sa kanya, airconditioned naman yung room pero todo punas siya ng pawis ko, at todo akbay din siya.
Lech…spell kilig?
“Jared…slow down.” Sabi ko nang makaupo na kami.
Nagtaas siya ng kilay.
“What do you mean?”
“Wagas ka kaya maka-PDA, nagtitinginan lahat sa atin oh.”
Tumingin siya sa paligid, at hinawakan na naman ang kamay ko.
“Bakit ba? Gusto ko lang namang ipagmalaki na girlfriend kita.” Pagmamayabang niya.
Well, bravo! You’re doing it right. But of course, I can’t voice that out. Sa akin na lang.
“Iyong iyo naman ako eh, wala namang aagaw, lalo na kapag ganyan ka maka-gwardiya, pero advice ko lang…slow down…nakakahiya eh.”
He smirked.
“Fine then.” Sabay subo sa isang piraso ng fries na sinawsaw sa ketchup.
PAGKATAPOS naming kumain, nagpunta naman kami sa arcade, siyempre, him being a captainball…yung basketball machine yung nilaro niya, I stepped backward at hinayaan siyang pagkumpulan ng mga babae dun na manghang-mangha kada makakashoot siya, if I know, it’s not the talent that they’re after, it is him and him alone.
Naiinis ako sa kanya kasi naman sobrang consumed sa ginagawa niya at parang wala na yatang pakialam sa akin, na kasama niya.
Kanina, sobrang sweet niya, tapos nung sinabihan kong mag slow down, as in nawala naman yung kasweetan niya.
“Excuse me.”
“Padaan.”
“Excuse.”
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...