“Closed off from love, I didn't need the pain
Once or twice was enough and it was all in vain
Time starts to pass, before you know it you're frozen…”Bawat pagpilantik ng katawan ko’y sumasabay sa pagbubuhos ng emosyon ko, damang-dama ko talaga ang kantang ito. Walang binatbat ang lakas ng tugtugin para maitago ang unti-unting pag-durog ng puso ko. Akala ko ba sanay na ako? Bakit nasasaktan pa rin ako.
Ganun ba talaga pag nagmamahal, sobrang nakakatanga?
“But something happened for the very first time with you
My heart melted to the ground, found something true
And everyone's looking 'round, thinking I'm going crazy”Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng agos ng pangyayari. Wala na akong control sa sarili kong katawan. Purong emosyon na lamang ang nagdadala sa akin ngayon. Wala akong pakialam kung magulat sila sa nakikita nila ngunit dito sa sandaling ito ay inilalabas ko na at ibinubuhos lahat ng nararamdaman ko.
Tama nga sila, magandang sumayaw kapag may pinoproblema.
Ngunit hindi na lamang ito isang mumunting dance rehearsal, dito ngayon sa mga oras na ito nagaganap na ang talent showcase. Napaka-maling panahon para sa pagiging sentimental ko.
“But I don't care what they say, I'm in love with you
They try to pull me away but they don't know the truth
My heart's crippled by the vein that I keep on closing…”Ngunit wala na…wala na rin naman akong ibang naririnig kahit pa malakas ang sigawan at palakpak ng mga tao kung meron mang gumagawa ng bagay na iyon para sa akin. Masyadong okupado ang isip ko para mag-focus sa iba’t-ibang mga pangyayari.
Natuto na rin yata akong maging makasarili.
“…You cut me open and I,
Keep bleeding, keep, keep bleeding love
I keep bleeding, I keep, keep bleeding love
Keep bleeding, keep, keep bleeding love
You cut me open”
Bakit ka ganiyan Jared? You always leave me hanging. Pagod na akong umiyak. Pagod na akong masaktan. Hanggang kailan ko ba sasabihin ang salitang ‘Last na ‘to’, kung sa bawat pagkakataon na nakikita kita ay parang nagja-jumpstart muli ang puso ko.Konting gestures mo lang bumibigay na agad ako, kasi nagtiwala ako sa sinabi mo…na minahal mo nga ako.
Mali ka…hindi ka naman marunong magmahal eh.
Pinaglaruan mo lang ako.
Hanggang kailan ako magbubulag-bulagan at susuko sayo?
Ngayon. Ngayon na sana.
“…Trying hard not to hear but they talk so loud
Their piercing sounds fill my ears, try to fill me with doubt
Yet I know that the goal is to keep me from falling.”
Sabi nila, tigilan na kita.Sabi nila, buksan ko ang mga mata ko sa endless possibilities na nakalatag sa harapan ko.
Sabi nila, sumuko na ako sa’yo kasi puro pasakit na lang ang binibigay mo sa akin.
Pero bakit hindi ko magawa? Bakit hindi ako naniniwala?
Kasi ako, kilala kita.
Kilalang kilala ko ang bawat pagliko ng bituka mo…kasi best friend kita eh. Diba?
At alam kong…hindi ikaw ‘to. Hindi ka ganiyan.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanficSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...