16. Our Song

2.7K 42 3
                                    

SA MAY TABING ILOG ako huling dinala ni Jared, dito na lang daw kami para hindi kung sino-sino ang makakita at makialam sa amin.

Hindi niya binibitiwan ang kamay ko habang nakaupo kami sa ilalim ng puno at pinapanuod ang unti-unting paglubog ng araw.

“Ang ganda…” sabi ko patungkol sa napakagandang sining sa harap ko, habang isinasandal ang ulo ko sa balikat niya.

“Mas maganda ka pa diyan.”

“Bolero ka talaga.”

“Nagsasabi ako ng totoo babe.”

Tumahimik na ako, wala na yata akong ibang alam gawin ngayon kung hindi sang-ayunan siya sa lahat ng sinasabi niya.

“Sige na nga babe…”

Babe? Iyon na rin ba ang tawag ko sa kanya? Hindi. Sa kanila yun ni Charry…ayoko.

Muli akong nagsalita… “Jared.”

“Hmm?”

“Pwede ba ‘wag na lang ‘babe’ ang maging endearment natin?”

Inextend niya ang kaliwang braso niya para ikulong ako sa yakap. “Bakit naman?”

“Uhh…” paano ko ba sisimulan?  “Eh kasi…”

“Ano?”

“Kasi…yun ang tawagan niyo ni Charry dati diba?”

Napangiti siya.

Himala, hindi na niya ako sinimangutan. Totoo kayang ‘wala na’?

“Eh ano bang gusto mo?” Nagtataka niyang tanong sa akin.

I smiled… “Buko.”

Tumawa siya, akala niya yata nagbibiro lang ako.

Binatukan ko siya.

“Hey, I’m trying to be serious here, won’t you mind being one too?”

Pinilit niyang pigilan ang tawa, “Buko? Seryoso ka dun?” pagkuwa’y natawa pa rin naman siya.

I rolled my eyes, then I stared at him straight faced. “Jerk! Seryoso ako dun.”

He held his breath para pigilan ulit ang sarili at saka matino akong hinarap, hinawakan ng dalawang kamay niya ang dalawang kamay ko. Magkaharap na kami ngayon.

“So, why Buko?”

“It stands for ‘Buhay Ko’”

Ngumiti siya, “’Buhay Ko: Buko…ang corny.”

“Okay, wag—“ he cut me off.

“Pero kung iyon ang gusto mo, gusto ko na rin…right, Buko?”

 Ngumiti ako pabalik…sobrang saya ng pakiramdam ko. “Yes Buko.”

TAKIPSILIM na nang bigla siyang tumayo. Inilahad ang isang kamay sa akin kaya naman tumayo ako. Akala ko, yayayain na niya ako para umuwi pero bigla niyang ipinuwesto ang dalawang kamay sa bewang ko at unti-unti kaming gumalaw.

“Jared ano ‘to?” nagtatakang tanong ko habang patuloy ang pagsasayaw namin.

Hindi niya ako sinagot, sa halip ay nagsimula siyang kumanta.

On our first date I asked you to dance
You turned bright red and started to laugh
I stayed straight faced until you stopped
…♫♫”

“Ang Corny mo din pala eh!” Tumawa ako, habang hinahampas ang braso niya. Tinuloy pa rin niya ang ginagawa niya kaya naman natigilan na rin ako, at sumakay sa pinaggagagawa niya.

On that riverbank there was no music to hear
I pulled you in close and whispered in your ear
"I think I know a tune you'll like"…
♫♫”

Tumahimik na ako, hindi ko na kasi mapigilang kiligin sa ginagawa niya, hinaharana niya ako habang isinasayaw, ito na talaga ang katuparan ng lahat.

“So I hummed something soft and sweet
The stars came out as we moved our feet…
♫♫”

Sakto namang naglabasan din ang mga tala sa langit sa paningin ko.

Yung feeling na parang magic ang nangyari dahil nakisama ang kapaligiran sa ginagawa niya.

“So won't you take my hand
Take my heart
Promise to never stop dancing once we start
Oh
Oh
'Cause this is our song…
♫♫”

 

Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Tears of joy; sobrang saya ko sa lahat ng nangyayari ngayon sa akin…sa atin.

Sana hindi na matapos. Sana forever na lang ito. Kahit na habangbuhay akong sumayaw basta ikaw ang kasama, hinding-hindi ako mangangalay.

Kumpleto na nga ang lahat…isa na lang yata ang kulang, yung puso mo...sa akin na ba yan?

“I Love You Buko…” he said.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon