5. Kung Ako Ba Siya

3.6K 55 5
                                    

Sunday ngayon, araw para magsimba.

Kasalukuyan akong nag-aayos sa harap ng salamin dahil maya-maya lang ay darating na ang mga sundo ko.

Simpleng White shirt, jeans at doll shoes lang ang suot ko. Hindi naman kasi dapat na magpagarbo pa dahil simbahan lang din naman ang tuloy namin.

Habang nagsusuklay, naaninag ko ang hairband na binigay sa akin ni ate sa akin noon, nakapatong ito sa study table ko. Sabi niya, isuot ko daw iyon para naman kahit paano’y may konting accessory naman ako sa katawan. Hindi ko siya sinunod, pasasaan ba’t hindi rin naman makakatulong ito para magugustuhan ako ni Jared.

Ngayong nakita ko ulit ito, naalala ko nanaman. Maganda ang Hairband, asul ang kulay at may maliit na ribbon sa ibabaw, hindi yata bagay sa akin, pero wala naman sigurong masama kung sususbukan kong gamitin diba?

Binaba ko ang hawak kong suklay at ipinosisyon ang hairband sa aking buhok.

Yan Katy, nagsisimula ka nang lumandi ha…

 

*tok tok tok*

Nandiyan na sila.

“Bababa na!”

Masigla akong tumalon-talon sa hagdan hanggang sa pinto.

“Tara na…”Sabi ni Gab.

Si Emac, Gab at Ron lang ang kasama ko ngayon, siyempre si Jared, kasama ang girlfriend niya.

“Uy, Naka-hairband ka yata ngayon.” Akalain mo, napansin pa yun ni Emac.

“Oo nga Kate! Ang cute mo!” Cute lang? I won’t take that for a compliment, gusto ko MAGANDA! Haha.

“Ay…ba’t niyo ba pinapansin, ano bang masama ha?”

“Wala, nakakapanibago lang.” Umakbay sa akin si Ron.

“Wag na kayong manibago, tsaka…wag niyo na rin akong titigan please!!!”tinakpan ko ang mukha ko, namumula na talaga ako.

Nakarating na rin kami sa simbahan bago pa magsimula ang misa, nakahanap kami ng upuan sa 2nd row, left aisle.

Nakakabanas na ‘tong mga kasama ko, kanina pa nila ako pinagtatawanan dahil sa suot kong hairband!

Tatanggalin ko na nga.

Hihiklasin ko na sana ito sa buhok ko nang biglang may kamay na pumigil sa akin.

“Wag!”

Tingnan ko siya, tinignan ko kung sino, ang Bestfriend ko pala.

“Jared, nandito ka rin pala?”

Kasama niya nga si Charry, bati na sila, pinagbati ko. Ang martyr ko diba?!

“Oo naman.” Inayos niya ang pagkakalagay ng palamuti sa buhok ko. “Wag mo itong tatanggalin ha, wag ka maniwala diyan sa mga ugok na yan, nagagandahan lang sila sa’yo.”

“Ahhh…salamat.”

Tumabi sila sa akin. Silang dalawang magshota. Hindi na ako nahihihrapan magtago ng nararamdaman, expert na ako diyan. 3 years ba naman eh.

Dumating na ang pari at nagsimula na.

*

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon