38. Miss You

2.1K 27 1
                                    

Jared’s pov:

“Hanggang kailan?” 

Tigib balikat kong tanong, mabilis na lumipas ang isang minuto ngunit hindi pa rin natitinag ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.

Napa-angat ang ulo ko at naptingin sa orasan, pumatak na naman ang ika-8 ng gabi. Isang bente kuwatro oras na ang lumilipas at kahit na nakapikit pa ay alam kong gising na siya. Naririnig niya ako.

Umayos ako ng upo at dumiretso ng tingin sa bulto ng katawan na nakaratay ngayon sa puting kama ng ospital. Hindi ko obligasyon ang bantayan siya ngunit may isang bagay lang akong nais malaman.

Isang bagay na handa kong ibuwis mapangalagaan ko lamang.

“Hanggang kailan?” Inulit ko pa ang tanong, this time, medyo nawawalan na ako ng pasensiya. Napabuntong hinging ako at muling isinandal ang likuran sa komportableng sofa dito.

Pagod na ako.

Paulit-ulit na lang na ganito. Siguro nga kasalanan ko rin. Napaka-tanga ko kasi para magbulag-bulagan ng ilang taon. Abot kamay ko na nga isinawalang bahala ko pa, ito tuloy ang napala ko ngayon. Naghahabol sa isang bagay na walang kasigurohan. Ano pa nga bang pag-asa ang meron ako?

Kaya ko pa bang ibalik ang lahat sa dati ng walang binibitawan at walang iniiwan o ako na lang kaya ang mawala para maibalik nila sa dati ang mga buhay nila.

Ang kulang kasi sa akin puso, parati na lang utak ang pinapagana ko. Kesyo bawal kasi ganito, ito ang dapat, mali yan. Nakakasawa na. Dapat una pa lang sinunod ko na ang puso ko eh, nang hindi nagkaleche-leche ng ganito ang buhay ko.

Muli ay inangat ko ang paningin ko para Makita siya, papansinin ba niya ako o ano? Mahaba-haba na rin ang pagsisintimiyento ko ngunit hindi pa rin siya sumasagot.

Hindi na ako nakatiis, naglakad na ako papalapit sa kama niya, alam ko talagang gising na siya. Nahihiya nab a siyang harapin ako ngayon matapos ang lahat ng gulo na ginawa niya.

“Alam kong gising ka…” tinapik-tapik ko pa ang balikat niya dahil nakatalikod siya sa akin, “pakiusap…kausapin mo ako, mag-usap tayo ng masinsinan.” Lahat ng pride ko ibinaba ko, masabi ko lang iyon. Lalake ako, at para sa isang lalake ang pagbaba ng pride ang isa sa mga bagay na napakahirap gawin, ngunit hindi na siguro iyon mahalaga ngayon.

Mariin akong napakagat labi. Ang hirap ng pinagdadaanan ko ngayon. Isang araw ko pinag-isipan ang desisyon na gagawin ko, at hanggang ngayon nagdadalawang isip pa rin ako. Hindi ko yata talaga kaya ang gagawin ko.

Urong sulong na ako sa bagay na ito. Ngunit isang sagot na lang at makukumpleto na ang desisyon ko.

Panay lang ang kalabit ko sa kaniya hanggang sa pansinin na niya ako.

“Ano bang gusto mong malaman!” naiiritang sinambit ni Alex at mabilis na bumangon sa kama niya matapos ko siyang hindi tantanan.

 Kung kapag nasa school kami ay lagi siyang naka-long sleeves, dito sa kaniyang hospital gown ay nakita kong tadtad nap ala ng pasa ang mga braso niya. Agad akong napaurong sa nakita ko, hindi ba’t kapag cancer patient daw ay sampung beses ang nararamdamang sakit kahit madantayan mo lamang sila ng balat.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon