LIZ’s POV:
It’s past 9 o’clock in the evening.
Tahimik lang akong nakatunghay sa labas ng bintana ko habang nakaupo sa harapan ng study table, kaharap ko ang laptop ko at 5 stack ng librong hindi ko alam kung ano ang uumpisahang basahin. Tinatapos ko pa rin ang term paper na project ko for English.
Nabubuang na ako. Nakakakalbo na itong ginagawa ko hindi pa rin ako nangangalahati.
Tok Tok Tok.
May kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
“Get in.”
Klik.
“Elizabeth...” boses ni yaya.
Kay Yaya Tessa na ako lumaki, mas close pa nga yata ako sa kaniya kumpara sa mga tunay na magulang ko eh.
Paano? Lagi kasi silang wala dito. Parati silang umaalis out of the country para sa business trips nila.
Hindi pa rin ako humaharap. Aminado ako, lutang na rin kasi ang utak ko, kanina pa rin kasi ako nagrereview para sa long test namin bukas sa Physics.
Putapete. Pinagsabay-sabay pa diba.
Naalala ko si Katy at Jared, buti pa sila, wala nang iintindihin sa physics for the rest of their lives! Sana may gumawa din sa akin ng ganun. Sana may pumasok sa room tapos i-excuse din ako sa physics forever! Papakasalan ko talaga at mamahalin ng lubos ang taong gagawa sa akin ‘non.
Si Emac kaya? LOL. What am I thinking?! Naaaddict na ba ako sa lalaking iyon?
No Liz! No f-cking way!!!
I shook my head roughly.
“…Emac.” Sabi niya.
F-ck! Pati ba naman si yaya?!
“Emac? You know him yaya?!” gulat na tanong ko at automatikong inikot ang katawan ko paharap sa kaniya.
“Ha?” nakakunot ang noo niya.
“Yaya, you said Emac.” Pagpipilit ko.
“Hindi ah. Ano yun? Tao ba yun?!”
“Yaya!”
“Ano bang pinagsasasabi mo Elizabeth? Ang sabi ko kanina ‘ano ba ang gusto mong kainin, Mac and Cheese o Baked Mac?’”
Ah…I get it. Baked Mac. Emac. F-ck.
Lumapit sa akin si yaya at hinaplos ng palad ang noo ko.
“Mukha namang wala kang sakit ah. Masyado ka lang sigurong napapagod diyan sa pag-aaral mo, pahinga ka muna anak.”
“Ah yun na nga po. Masyado na akong nag o-over study. I think I need that rest.” Pagdadahilan ko. Masyado kasing mausisa si yaya, baka kung ano pa maitanong niya.
“O sige, ano na nga ba ang gusto mong kainin, Mac and cheese o Baked Mac?”
I bit my lip. Natatawa pa rin ako sa resemblance ng pangalan ni Emac at ng Baked Mac.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...