36. She is love (part 2)

2.3K 35 7
                                    

***

JARED’s POV:

Gumising ako na punong-puno ng pag-asa na magiging maganda nga ang resulta ng araw na ito, kahit na sa katotohanan ay hindi naman talaga ako nakatulog sa kaiisip sa mga pwedeng mangyari.

Aminado akong masasaktan ko nga siya dahil sa pakikipag-break ko sa kaniya pero lahat ng ito may dahilan, at nananalangin ako na sana maintindihan niya ako.

Napatingin muli ako sa orasan sa sidetable ng kama ko. 4:45 AM na.

Sapat na siguro ang oras na ito para makapag-impake na ako ng mga gamit at makaalis na rin dito sa bahay ni Kate, bago pa man siya magising. Kailangan ko siyang iwanan eh. Parte ito ng plano ko. Mahirap man din sa kalooban pero dito ko maip-prove ang tibay at halaga niya sa akin.

 

***

Mabilis na lumipas ang araw, nandito na ako ngayon sa lumang playground ng green park. Dito ang lugar kung saan kami unang nagkakilala…kung saan ko unang nakita ang mga ngiti sa labi niya…kung kailan una akong nag-care para sa isang tao na hindi ko naman talaga ka-dugo o kaibigan.

Ganun si Kate, may katangian siya na sa tuwing makikita mo, parang gusto mo na talaga siyang iuwi at alagaan.

At dito rin sana sa lugar na ito…mamarkahan namin ang simula ng aming pagmamahalan.

Ilang sandali na lang…darating na siya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro kasi natatakot ako na baka nga galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.

“Liz, anong sabi?” tanong ko kay Liz habang nags-spray ng pabango sa katawan ko for the nth time.

“Nasabihan ko nang dito magkikita. Pumayag naman siya kaninang umaga. Wag kang mag-alala susunduin ko naman para sigurado na.” Sagot niya habang tumututlong sa pagkakabit ng mga ilaw sa puno. “Emac! Akin na yung extension!” sigaw niya sa lalaking kasalukuyan nakaakyat sa puno.

“Tabi ka diyan, ihahagis ko, baka matamaan ka!” sagot nito.

Sumingit naman ako muli sa kanilang dalawa.

“Ah…papunta na ba?”                      

“Ano ka ba Jared. Kalma lang okay? Maaga pa kaya.”

“Tawagan mo na nga.” Kinakabahan na talaga ako ngayon. Kelan nga ba ako huling nakaramdam ng ganito?

“Okay, para naman mapanatag ka na.” sabi niya habang nagda-dial na sa cellphone niya. Sumenyas siya sa akin ng ‘wait lang’ saka siya lumayo ng konti.

Ilang sandali na lang…ilang sandali na lang talaga.

“Gab! Bilisan mo na nga yang pag-gawa ng banner, kahapon kasi sabi mo ayos na eh.” Napunta naman ang atensyon ko sa loko, palibhasa kasi, ngayon pa lang niya nilalagyan ng tali yung tarpaulin na ginawa niya.

“Sabi ko sa’yo tarp lang. aba malay ko bang kasama ang tali sa sinasabi mo.” Ngumuso pa siya.

“Ewan ko sa’yo. Basta bilisan mo na. Darating na siya eh.”

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon