46. One and Only You - END

3.3K 60 14
                                    

JARED'S POV

May mga bagay na dapat talagang kalimutan na lang at ibaon sa limot, pero hindi dapat ialis sa isipan ang leksyon na naituro nito sa atin.   Masaki t maiwan, oo, lalo na kapag taong mahalaga sa iyo ang gumawa  ng bagay na iyon. Ilang beses na rin naman akong naiwan, hindi ba dapat immune d na ako diyan?

Pero hindi eh. Kapag masakit, masakit talaga.

Yung mabuhay ng mag isa? Bata pa lang akoalam ko na ang pakiramdam na yan, pero iba pa rin talaga kapag nangyari ulit sa iyo iyon at  wala na kang ibang ginawa para mapigilang mangyari iyon.

Hindi mo talaga maiiwasang maging tanga  at bulag sa pagpili ng mga desisyon, lalo namang mahirap kapag nariyan na ang sitwasyon sa harap mo at hindi mo alam ang tamang bagay na dapat ikilos o gawin.

Basta nang maipapayo ko lang sa inyo, sa oras na magdesisyon kayo siguraduhin niyong desisdido na kayo at wala ng atrasan pa. Hindi mo naman talaga kailangang mag-think twice, ang mas dapat na gawin mo, think right.

At sa ora s na tumibok ang puso mo, wag mo ng isasawalang bahala…isa lang ang ibig sabihin niyan, nakita mo na siya

**

Maliwanag ang paligid dahil sa ilaw na dulot ng naglalakihang chandelier sa mataas na kisame, bawat sulok sa malaking espasyong ito ay nagkalat ang iba’t-ibang tao na nakasuot ng nag-gagandahan at makukulay na ball gowns at tuxedo. Bawat isa ay makikitaan mong may ngiti sa mga labi,  habang tuwang-tuwa sa pakikipag socialize.

Maririnig mo ang tugtugin na nakapapanatag sa tenga, habang ang iba ay masayang  nagsasayawan sa di kalayuan. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang partner; bawat isa ay may kaniya-kaniyang kausap, bawat isa ay Masaya, samantalang ako…mag-isa at nakaupo lamang sa sulok.

    Ngayon ang Prom day sa school namin, isang napakahalagang araw para sa mga High School students lalong lalo na sa mga babae,hindi ko rin alam sa kanila kung bakit. Ilang buwan na lang din ay magtatapos na kami, at iyon naman ang mahalaga sa akin .

Akalain mo iyon, excited akong maka-graduate ngayon samantalang dati ay patapon na lang ang buhay ko,  milagro na nga lang din para sa akin na makatatapos ako matapos ang lahat eh.

Kung sana nga lang, parehas kami ng papasukan ni Kate, mas inspired ako.

Magda-dalawang buwan na mula nang flight niya papuntang Hong Kong, yung araw na pakiramdaman ko’ y pinagsakluban ako ng langit at lupa. Yung araw na halos wala akong ibang inisip kung paano kami maaayos. Yung araw na sising-sisi ako sa mga pinaggagawa ko dahil kon ting sandali na lang baka mawala na siya sa akin. Yung araw kung kailan ko nalaman na sadiyang pinagtritripan talaga kami ng tadhana.

 Wala naman akong magawa kung hindi bumuntong hininga na lang nangyari na ang lahat eh.

“Jared!” isang pamilyar na  boses ang pumukaw sa pagmumuni-muni ko, paglingon ko’y nakita  ko ang isang babaeng nakasuot ng matingkad na kulay pulang  gown, habang naglalakad siya patungo sa akin ay hindi na maiwasang matitigan siya ng mga lalaki sa paligid niya.

Ang ganda naman talaga ng ayos ni Liz ngayon, napaka elegante.

“Nakita mo si Emac?” Ang tanong niya sa akin sa halip na bumati.

“Nasa Buffet table siya may inaasikaso.” Sagot ko naman.

“Sige salamat, see you later.” Mabilis naman siyang naglakad para hanapin si Emac, “Excited na ako para mamaya!” pahabol pa niya.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon