42. The Mess I Made

2K 35 1
                                    

“But oh, I'm staring at the mess I made 
I 'm staring at the mess I made 
I 'm staring at the mess I made 
As you turn, you take your heart and walk away…”

Nakatingin siya sa akin habang kinakanta ang mga linyang iyon. Hindi ko maiwasang hindi ma-conscious dahil sa ginagawa niya, pag ako talaga nawalan ng poise dahil sa paglusaw niya sa akin, naku humanda siya!

Halos hindi na nga ako makangiti oh!

Kung pwede ko lng sana siyang sigawan sa mga sandaling ito ginawa ko na. Breathe in, breathe out. Smile sa audience habang patuloy ang pagtagaktak ng malalamig na pawis ko.

Hany naku! Kung sana’y para sa akin diba?

Heto na naman ako…si ASSUMERA. Oo, capslock para intense at damang dama ko. Leche naman kasi, nagfe-feeling na naman ako, na-realize ko, katabi ko nga pala itong bago niyang jowa na abot tenga na nga siguro sa pagngiti dahil sa kilig.

Hindi naman ako bobo, itong si Pamela siguro, Oo. Biruin mong panay ang pag-sstammer habang sumasagot sa Q&A kanina at pinaulit-ulit pa niya ang tanong sa judges, at siguro naman kung naririnig niya ng mabuti ang kanta…hindi ito para sa mag-jowa o kung ano pa mang lecheng k-sweetan na yan.

Kung ako ang tatanungin niyo, isa itong kantang nag-sosorry dahil sa hindi magandang nagawa. Perfect! O diba bagay na bagay sa akin!

Well, duh! Sorry din sa mukha mo Jared, magsama kayo ng impaktang jowa mo.

Ngingiti-ngiti pa itong ungas na ito, e kung sikuhin ko kaya siya. Hindi naman siguro ako mad-disqualify diba?

F-ck! Anong nangyayari sa utak ko?

Bakit nagiging masyadong outspoken…yeah, mabuti na lang hindi ko nasasabi mismo galing sa mga labi ko ang mga ito.

Hanggang isip na lang. Pero this time kakaiba na ang takbo ng utak ko, diba nga sabi ko…nakakabaliw ang ganito?

Nagtapos ang kanta habang sa akin lang talaga nakatuon ang mga mata ni Jared, hundi ko nga baa lam kung pansin din ng madla yun o sadyang nagbulag-bulagan na lang ang lahat.

Wala akong balak na matuwa sa nagyari dahil hindi naman talaga kasiya-siya iyon. Kung sana, nag-sorry na lang siya sa aking harapan matatanggap ko pa.

Matatanggap oo, pero yung mapatawad siya.

Mahirap na.

Nang bumaba siya sa stage nanlalamig pa rin ang buong katawan ko, hindi lang dahil sa presensya niya, kung hindi dahil malapit na ring i-announce ang nagwagi sa konmpetisyon ito.

Nakakapanibago diba? Siniseryoso ka na talaga ito ngayon, paano? Nanalo kasi ang basketball team.

Nanalo sila Jared. Ibig sabihin, nanalo din siya sa bet.

Siguro kung ipapanalo ko rin ito, that thing would be called off.

Assumera nakung assumera pero ngayong gabi, akin ang korona.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon