Hey friend, this is for you, I miss you :) Medyo busy ako ngayon, but if i have time, I'll get back on you, thanks for your support!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
‘I Love You’ tatlong salita na kinapapalooban ng napakaraming kahulugan, depende sa’yo kung paano mo ito i-iinterpret.
Siyempre, mas masarap sa pakiramdam kapag ang taong nagsabi niyan ay ang taong pinaka-gusto mong magsabi niyan.
At kapag nangyari yun, kahit langit siguro ay hindi masusukat ang kaligayahan mo.
Walang katapusang palitan ng ‘I love you’s’, hindi ba’t Masaya? Sincere at totoo ba ang pagkakasabi? Diyan marahil magkakatalo.
Number one rule sa isang relasyon para mapanatili itong matatag ay ang tiwala, kapag wala nito, tiyak marupok ang samahan niyo at malamang sa malamang naglolokohan lang kayo. Walang kompiyansa eh.
“I Love You Buko…”
Hindi niyo ako masisisi kung magkakaroon ako ng alinlangan sa tuwing maririnig ko ang mga salitang yan. Siguro ayoko lang masyadong umasa.
Simula’t sapul kasi alam ko naman na lokohan lang ‘to.
Tinapik tapik niya ang pisngi ko, magmula kasi ng marinig ko yan nawala ako sa sarili ko. Ang gulo ko ‘no.
Masaya ako dahil Gusto ko ito…ginusto ko lahat ng nangyayari, pero hindi ko maitatagong nasasaktan pa rin ako.
Bakit??
Tumigil ako.
“Tara na, uwi na tayo…pagod na ako.”
Bukas. Bukas na magkakaalaman.*
HUMINGA ako ng malalim bago pumasok sa gate ng school. Kasabay ko si Jared at handa na kaming ipaalam kung ano ang namamagitan sa amin. Dito na talaga magsisimula ang lahat.
Namamagitang kasinungalingan.
“Ready ka na?” tanong niya.
Hindi…sabi ng utak ko. “Oo.” Ang namutawi sa bibig ko.
Kinakabahan talaga ako. Baka isipin ng mga tao na malandi ako, to think na kakahiwalay lang nila tapos papasok agad ako sa eksena.
Oo, mas mahalaga sa akin ang iisipin ng iba.
Naging casual lang ang lahat hanggang sa makasalubong namin sa daan si Charry.
Pakiramdam ko’y naputol ang hininga ko nang Makita ko ang maganda niyang mukha.
Sa tingin ko’y wala nman siyang mapapansing kakaiba dahil ganito na kami kalapit ni Jared noon pa man.
Ngumiti siya sa direksyon namin.
Ngumiti lang din si Jared at humigpit ang hawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...