KATY’s POV
Hanggang kailan ka magiging number two na lang sa kaniya?
Hanggang kailan ka magiging ‘second choice’ lang?
Hanggang kailan kailan ka maghihintay sa kung ano lang ang kayang ibigay niya?
Masinsinan kong tinitigan ang sarili ko sa harap ng salamin, ilang oras na lang aalis na kami ni ate. I know Hong Kong is not that far but it is enough para makapagsimula ulit ako.
Maraming nawala sa akin sa mga nakalipas na buwan. Itong mukhang nakikita ko ngayon, napakalaki ng pinagbago…wala na siyang pride, wala na siyang buhay, sa madaling salita, hindi na siya Masaya.
Sabi nila sayang kasi konti na lang, magtatapos na ako, pero yung konting panahon na ilalagi ko dito ikamamatay ko naman. Masama na daw talaga ang kalagayan ng baga ko, hindi lang siguro masabi sa akin ni tito pero, nararamdaman ko I’m In a dying stage. Dumadalas na ang pagbbreak down ko, sa oras na dumating sa puntong hindi na abutan ng hangin ang utak ko, mamamatay ako.
Pero ang hindi nakakagulat? Nagbago na ang pananaw ko…gusto ko pang mabuhay. I am stronger now.
Gumising ako isang araw na pagod na sa lahat ng nangyayari sa akin. Siguro this time, I need to make a stand. Mula ngayon, ipapamukha ko sa lahat ng tao na kayak o at hindi na lang ako yung tao na kayang-kaya nilang saktan basta-basta.
Ang tanong, kaya ko na ba?
Of course—crossed fingers.
I am young and I have a bright future ahead of me, but would I be too selfish to say that it doesn’t matter to me right now? I have lost my light.
Jared…I need you.
Napaka-ironic kong tao. Napaka-masokista ko. Hindi ko na talaga maintindihan.
I really, really need this trip.
“Kate, ready ka na ba?” tawag sa atin ni ate, nakababa na lahat ng gamit namin, ako na lang ang hinihintay niya. Mabilis kong tinitigan ang bawat sulok ng kuwarto ko kasabay ng pag-alis ko ang pag-iwan sa lahat ng alaalang dala nito sa akin.
“Opo ate, tara na.” sinara ko ang pinto at mabilis bumaba sa hagdan…pati ang bawat hakbang ko sa sementadong staircase na ito, may ipinanunumbalik.
Ipinikit ko na lang lahat. Tama na.
Nariyan na pala ang taxi at naipasok na rin lahat ng gamit namin.
“Let’s go?”
Huminga ako ng malalim. Tumango at ngumit ng buong puso kay ate. Sabay kaming lumabas sa gate ng bahay.
Goodbye.
**
20 minutes kaming maaga para sa flight namin. Naghintay muna kami ni ate sa airport lobby hanggang sa maiannounce ang boarding ng sasakyan namin.
Hindi ako mapakali habang nakaupo ako doon. Pakiramdam ko, gusto ko ng mag back out, gusto kong manatili na lang sa Pilipinas dahil nandito naman talaga ang ikasasaya ko. Pero alam kong mali din naman ako dun dahil hindi na rin naman ako sasaya dito, unless makakahanap ako ng ibang dahilan. Isa pa, napakakontrobersyal na ng pangalan ko
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...