11. Stay

3K 50 0
                                    

>JARED’s POV

Paulit-ulit niyang sinasabi ang pangalan ko. Hindi ako sumasagot, yakap ko lang siya.

“Jared.”

Isa pa.

“Jared.”

Bumilis ang paghikbi.

“Jared, it’s over.”

Biglang may kung anong bagay na tumusok sa puso ko. Masakit.

Natigilan ako, bumitaw sa pagkakayakap at tinitigan siyang mabuti. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata niya.

Teka, anong ginawa ko?

“Anong ibig mong sabihin Cha?”

Anong ibig sabihin ng It’s over?

“Itong relasyon na ito, ayoko na.”

Biglang umakyat ang dugo sa mukha ko.

I held her hands tight, never wanting to let them go.

“Ano bang sinasabi mo babe? Joke lang ba yan? Wala namang ganyanan.” Medyo ngumingiti pa naman ako. Hangga’t maaari ay ayokong paniwalain ang sarili ko na nangyayari na nga ang nangyayari ngayon.

“I’m dead serious Jared. Let’s break up.”

Tumigil yata ang pag-ikot ng mundo.

“Wag mo namang gawin sa akin ‘to. It’s our third anniversarry.” I said, pleading.

“I know pero ayoko nang patagalin pa ito. Sorry.” She looked down.

“No.”

“Yes…” cold and bitter.

Hindi. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Hindi ba niya alam na she’s my everything?

“No…I don’t want to.”

“Palagi na lang bang ikaw? Paano naman yung gusto ko?!” Halos isigaw na niya ang mga salita.

“Diba sa isang relasyon, yung dalawang tao dapat ang nagdedesisyon?! Bakit pinipilit mo ba yung gusto mo?! Ayoko nga eh!! Mahal kita, hindi mo ba alam yun?! Hindi mo ba ramdam?! Ano ba ang kulang ko?!”

Hindi siya sumasagot…ni hindi rin niya ako matignan, basta’t umiiyak lang siya, hindi pwede ‘to.

“Sumagot ka?! Sagutin mo ako! I need an answer!!”

Hindi ko na nakontrol ang nararamdaman ko, kanina pa ako halos mabaliw dito kakahintay tapos ganito?

Before I know it, umiiyak na rin pala ako. T-ngina naman! Ang bilis ng mga pangyayari.

“…ano bang nagawa kong mali ha? Kung ano man yun, sorry na. Please, wag mo akong iwan, kaya pa nating ayusin ito. Sabi mo hindi mo ako iiwan diba? Ano ito?! Paano na tayo?”

Something must’ve made you say that. What is it? I want to know. Please. I love you.

Ako na lang ang nagsasalita sa amin.

Halos lumuhod na ako sa harap niya.

Lumuhod? If that would make everything right, bakit hindi.

Pride? Hindi na mahalaga yan ngayon.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon