9. I Swear This Time I Mean It

3.1K 50 4
                                    

Nandito na kami ngayon ni Jared sa kwarto ko, gaya nga ng sinabi niya kanina, sa sahig nga siya humiga. Pero siyempre, hindi ko naman siya hinayaan na basta na lang humiga sa lapag ko. Baka magkasakit pa yun, konsensya ko pa.

Binigyan ko siya ng unan tsaka kumot tapos bahala na siyang maglatag.

Nakahiga na kami ngayon.

Nakabalot ng kumot ang katawan niya habang ang bisig ay nakapatong sa mga mata, kaya naman hindi ko pansin kung tulog na nga ba siya o gising pa. Hindi kasi siya nagsasalita.

Samantalang ako, hindi mapakali dito.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama, hindi alam kung ano ba ang pwesto na dapat kong gawin para makatulog.

Dahil Hindi talaga ako makatulog.

The thought of being with him inside my room tonight makes my tummy flip, even my heart is going crazy, I think it’s pumping more blood than ever.

Sa totoo lang, kaya ko naman sigurong matulog eh, yun nga lang AYOKO.

Mas gusto kong bantayan na lang siya; titigan ang mala-anghel niyang mukha habang nahihimbing.

Baka kasi hindi na maulit ito.

At iyon na nga ang ginawa ko…tinitigan ko lang siya.

Siya kaya, ano kaya ang tumatakbo sa isip niya ngayon? Kung tulog na siya, kasama kaya ako sa panagnip niya?

Bakit ba hindi ko na lang kasi tanggapin ang offer niya kanina na samahan ako dito sa bahay, para hindi ako nagkakaganito ngayon. At least kapag magkasama na kami dito, hindi na ako magsasawang titigan siya.

Hindi na ako mag-uubos ng oras na sana ay ipinangtutulog ko dahil pag nangyari yun, hinding hindi na ako magsasawa sa kanya.

Kung hindi lang sana magulo at komplikado sa lahat, hindi naman ako tatanggi eh.

“Katy? Gising ka pa?” nagsalita siya, tapos tinanggal niya ang pagkakapatong ng kamay sa mukha niya at tumingin sa akin.

“Oo.”

“Ako rin eh, hindi ako makatulog.” Bumangon siya at umupo.

“Bakit?”

“…uh…hindi kasi ako sanay dito sa sahig, ang tigas.” Nahihiya ngiyang sabi.

I immediately felt guilty. Ang safety ko lang naman ang inaalala niya tapos kailangan pa niyang mahirapan ng ganito.

Isa pa, masakit nga pala ang katawan niya gawa ng basketball practice kanina.

Wala naman sigurong masama kung patatabihin ko siya sa akin.

Siya na ang nagsabi, best friend ko siya. Malaki ang tiwala ko sa kanya.

“Gusto mo dito sa tabi ko?” Alok ko. Kahit pa alam kong malaki ang posibilidad na baka ako naman ang lalong hindi makatulog nito.

“Ha? Sigurado ka diyan?”

Nag-nod ako.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon