12. Hindi Kita Iiwan

3.2K 46 6
                                    

 

>LIZ’s POV

“Salamat.” I said between sobs.

Tinanggal niya ang jacket niya at isinuot ito sa akin, since, ang damit ko ay gula-gulanit na. Binuhat niya ako at saka sinakay sa motor niya, umalis na kami sa bangungot na lugar na iyon.

Mahigpit akong yumakap sa bewang niya, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, at wala akong pakialam kung saan man iyon, sa ngayon ang iniisip ko lang ay siya…si Emac, ang taong nagligtas sa akin. Napaka-thankful ko.

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa likod niya, dinama ko ang malamig na paghampas ng hangin sa mukha ko.

Gabi na.

“Nandito na tayo.” Huminto kami sa harap ng isang fast food chain. “Hindi muna kita iuuwi dahil alam kong masyado ka pang gulat sa nangyari. Magpalamig muna tayo dito.”

Tahimik lang akong sumunod sa kanya.

Kung sa unang pagkikita namin ay para kaming aso’t pusa, ngayon, para na lang akong pusa, maamong sumusunod sa amo niya.

Bago kami pumasok ay hinarap niya ako. Inayos niya ang buhok ko at ang pagkakasuot ng jacket sa akin. Hinawakan niya ang gilid ng labi ko, pinunas ang kumalat na lipstick sa gilid nito.

Napapitlag ako sa ginawa niyang iyon dahil sa totoo lang ay mahapdi pa rin ang pisngi ko gawa ng pagkakasampal sa akin kanina.

“Masakit pa?” tanong niya, may halong concern sa boses niya.

Tumango nanaman ako.

Hindi ko ba alam kung bakit tila umurong yata ang dila ko ngayon. Anong nangyayari?

Nagtungo siya agad sa counter para umorder, habang ako naman ay naghanap ng mauupuan.

Nahimasmasan na ako pagtungtong namin sa loob ng fastfood. Natatanaw ko siya mula sa kinauupuan ko, kitang-kita ko kung paano siya titigan ng mga babaeng madaraanan niya. Ang lagkit ng mga titig nila, yung tipong parang gusto na nilang hubaran ang nilalang na nasa harap nila. I rolled my eyes heavenwards.

‘Haynako, ang mga babae talaga.’ I said to my self.

Teka…hindi ko pa nga pala naitatanong sa kanya kung paano siya napadpad doon sa kinalalagyan ko kanina, paano niya kaya nalaman na nandoon ako?

“Tara kain!” masigla niyang sabi habang dala-dala ang isang tray na punong-puno ng pagkain. Nandito na pala siya

I tried to smile, kahit na alam kong kapag nabanat itong pisngi ko ay kikirot.

“Ang dami mong fans doon ah.” Sabi ko habang binubuksan ang burger na dala niya.

“Ha? Yung mga iyon ba?” pinagtuturo niya yung mga babaeng nakaupo malapit sa counter, pati na rin ang mga cashier. “Ang pogi ko kasi eh!” sabay umakbay siya sa akin.

“Edi ikaw na ang pogi.” Inirapan ko siya, kahit na deep inside, alam kong totoo ang sinasabi niya.

“Eh maganda ka rin naman eh.”

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon