43. Magbalik

2.1K 29 0
                                    

Jared’s POV

I’m a sucker when it comes to love. I’m a sucker when it comes to valuing the people that cares for me. I. Simply. Suck. At . Everything.

Bakit ganun? Hindi ko magawang mai-tama lahat ng pagkakamali ko. Masakit makitang umiiyak at nasasaktan para sa iyo ang mahal mo, pero wala kang magawa para maialis iyon sa kaniya.

Wala talaga kung hindi aminin at panindigan na lang ang mga kasalanan mo.

Ang hirap ng ganito, akala ba nila wala akong pakiramdam?

Tao din naman ako, ang kinaiba nga lang, madalas sa minsan akong nagkakamali.

2 months ago, sumuko na si Alex. Pinaubaya na niya sa akin si Katy at nag-sorry din siya sa lahat ng idinulot niya sa aming problema. Ang hinihintay ko na lang, ay ang magising si Katy at maging okay na ulit ang lahat…kaso hindi ganun ang nangyari eh.

Isang gabi, a girl appeared on my doorstep dala ang isang kagimbal-gimbal na balita na maging ako ay hindi ko inakala. It was Pamela, announcing her pregnancy…claiming that I was the father.

At ayun na nga, naalala ko ang gabing iyon, siya ang babae sa bar noong gabing lasing na lasing ako dahil sa pag-taboy sa akin ni Katy, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali.

Masakit pero kailangan kong manindigan. Mula noong araw na iyon, umiwas na ako kay Katy—ako  na mismo ang naglayo sa sarili ko sa kaniya. Hindi dahil nawala na ang pagtingin ko sa kaniya, ngunit para hindi ko na siya masaktan muli. Alam kong mali ang ginawa ko at alam kong mali ang gagawin ko, ngunit para sa ikabubuti niya ito.

Dumating sa puntong pinilit kong magbago ng imahe…naging masama ako, madalas mapa-away, irregular attendance sa school, mambabae, pati sa mga kaibigan ko, lumayo ako—lahat ng iyon at marami pa para lang pandirihan niya ako at baka sakaling mawala na ang nararamdaman niya sa akin.

Araw-araw akong pinapatay ng sarili kong kagaguhan. Araw-araw ko iyong pinagbabayaran. Wala na akong magawa dahil nakatali na  rin ako kay Pamela, gusto na nga ng mga magulang niya na ipakasal kami.

Lumaki akong walang pamilya. Bunga din ako ng pagkakamali. Ayokong lumaki ang magiging anak namin na may kaparehas na kapalaran sa akin.

Mahirap ang desisyon ko pero narito na ito.

Sa tuwing magkakaroon ako ng malaking problema, nagpapakalunod ako sa alak…pero sa pagkakataong ito naging immune na yata ako. Hindi ako matablan-tablan. Hindi ako tinatamaan. Nakakarami na ako pero masakit pa rin.

Ginawa ko ang lahat para hindi ko masaktan si Katy pero nasaktan ko pa rin siya. Nagkamali ako, hindi ko pala kayang paninidigan lahat ng sinabi ko kay Tito Artemio, nahihiya ako kay Ate Joyce kasi hindi ko siya naprotektahan…nahihiya ako sa pamilya niya dahil sa ilang libong pagkakataon, napaiyak ko na naman siya.

“Ang gago ko talaga!” napasuntok ako sa sahig ng kuwarto ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kahit lalaki, umiiyak din, kahit gaano pa katibay yan.

Saglit na katahimikan ang bumalot sa akin at ngayon ko lang muling napagmasdan ang kuwarto ko. Nakakatawa nga’t sa dinami-rami ng pagkakataon na tinutulugan ko ito, ngayon ko lang napansin na sobrang dilim, sobrang dumi at sobrang kalat na pala dito. Kung nandito lang si Katy, tiyak sisigawan na naman ako nun.

Haaayyy…siya na naman. Ang mga babae talaga sakit sa ulo!

Napatitig ako sa wall clock sa taas ng kama ko, 11:26 am na at isang linggo na ring lumilipas mula noong magbreakdown siyang muli sa harap ko. Hindi ako makadalaw sa ospital dahil alam kong ayaw nila ako doon at bantay sarado na rin siya ng ate niya. Delikado nga daw ang kalagayan niya noong maisugod ko siya doon, mabuti na lang at naagapan.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon