1. Best Friend

7.3K 72 7
                                    

“Tanga na kung tanga pero mahal kita!!” Oo, line ‘yan ni Kim Chiu sa movie nila ni Gerald, yung ‘Paano na Kaya?’ Same story goes with me…isang best friend na nagmamahal, at nagpapakatanga.

Pero hindi naman kami parehas na parehas ng kalagayan, unang-una, kasi sila dun sa movie Happy Ending, eh ito totoong buhay at mukhang hindi na mangyayari yun sa amin ni Jared. May girlfriend kasi siya at 3 years na sila. Ang tibay ng relasyon ‘diba?

3 years na rin akong nagpapakatanga…pero sa totoo lang, nauna naman talaga ako kay Charry eh (girlfriend niya). Nauna nga, pero hindi naman ako gusto at hindi naman ako pansin. Isa lang akong maliit na bubwit na sabit sa tropa nila.

And yes, oo, tumpak, tama! Ako nga ay isang sabit sa tropa nilang magbabarkada. Si Jared, Ron, Emac, at Gab ang kabilang dun. NO big deal naman sa kanila ang pagsama ko dahil One-of-the-boys naman ang turing nila sa’kin.

Don’t get me wrong, hindi naman ako tomboy at hindi ko din naman sinasabi na ako ang muse nila (ekkk…ako muse? Although taas-kilay sa akin ang mga girls sa school dahil malapit ako sa kanila). Basta nangyari na lang na napasama ako sa kanila kasi tampulan ako ng tukso noong mga bata pa kami. Lampa, Payat, Pandak…Pangit, yan ako dati.

Pinagtanggol nila ako sa mga nang-aapi sa akin at pinangakong para makaiwas sa mga pambubully ng ibang mga bata, ay poprotektahan nila ako. Hanggang ngayon ay gano’n pa rin naman ang nangyayari.

Pero si Jared…si Jared bilang acting leader nilang magkakaibigan ang tanging nakakuha ng atensyon ko, hindi lang kasi siya super pogi, matangkad, maputi, matalino’t mabait…matapang pa (pansin niyo ba na puro papuri? Pansin ko rin eh) kaya mahal ko siya eh. Kahit na 8 years old pa lang ako noon, alam ko na tumitibok na nga ang puso ko para sa kanya.

“Katy!”

“Hmmm?”

“Katy!”

“Hmmm?”

“Katy!!!!”

“Ay ano ba? Ang Ingay ha!” Napabalikwas ako sa kama dahil sa sobrang nabubulabog ang mundo ko. Ano ba ‘yan…ke aga!

“Hoy! Ako ba’y sinisigawan mo?!! Bumangon ka na nga diyan at male-late ka na sa klase. First day na first day ganyan ka.” Si Ate pala.

Dalawa na lang kami na magkasama ngayon, nasa ibang bansa na kasi ang mga magulang namin. Sales Manager si ate sa isang malaking kumpanya, mamaya aalis na siya, papunta sa trabaho.

“Sorry po! Eto na tatayo na. Mauna ka na sa baba ate, maliligo lang ako.” Agad naman akong nabuhayan ng dugo sa sinabi niya, First day nga pala.

Agad akong nagtungo sa banyo nang lumabas na si ate sa kwarto ko. Excited din kasi talaga akong pumasok, sadyang napuyat lang ako kagabi. Katext ko kasi magdamag si Jared.

First day ko bilang isang Senior! Hindi yung senior na 60 years old ha, Senior as in last year ko na sa High School. Sana maging maganda ang umpisa, huli na kasi ito eh.

MALAMIG ANG TUBIG SA SHOWER…hindi ko maiwasang tumili sa tuwing tumatama sa balat ko ito.

“Lalalalalalalala…Lucky I’m In love with my bestfriend, lucky to have been where I have been…♫♫” Pakanta-kanta lang ako habang nagsasabon. Feeling Singer eh.

*

“Katy!” Tawag ng isang lalaki mula sa labas ng bahay, agad naman akong tumayo mula sa lamesa kahit na nasa gitna pa ako ng kasarapan sa pagkain, at nagtungo sa pinto. Nariyan na ang sundo ko.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon