19. Whem I'm With You

2.9K 47 5
                                    

“Ano ba Jared! Pansinin mo naman ako, kanina pa ako naghahabol sa’yo, pagod na ako, galing pa ako sa dance practice diba?! Masakit ang mga paa ko!”

Kanina pa ako naghahabol kay Jared, magsimula kasi ng matapos ang practice namin, hindi na niya ako pinapansin pero hinintay niya ako, nauna kasing natapos ang basketball practice nila.

Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawang masama para magkaganyan siya.

Teka…dahil ba kay Alex yan?

Flashback:

 

“Guys! Let’s call it a day. Tapos na ang practice see you all tomorrow.” Sabi ni Teacher V.

 

Agad kong binitiwan ang kamay ni Alex, akmang pupunta na sana ako kay Jared na kanina pa naghihintay sa bench pero bigla siyang nagpahabol.

 

“Poks, wait lang! Aah—aray!” nadulas siya at biglang napaupo, palibhasa kasi’y masyado siyang nagmamadali.

 

Siyempre tumigil ako at pinuntahan ko siya.

“Alex! Okay ka lang?! Napilay ka ba?!” pinisil-pisil ko ang right ankle niya. Nakita ko kasing ito ang tumama. Pag nagkataon, mawawalan ako ng dance partner.

 

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at tumalon-talon pa.

“Hahaha. Gotcha! Joke lang yun!! Siyempre hindi naman ako tanga ‘no. O eto gusto ko lang sanang ibigay sa’yo yan, baka kasi uhaw ka na.” sabay nag-abot siya sa akin ng isang bottled water.

“Sira ulo ka talaga kahit kailan! Pero salamat dito ha. Sige una na ako, may naghihintay kasi sa akin eh.”

“Sige ingat ka, bye.” Tapos binigyan niya ako ng isang friendly hug at naglakad na palayo.

 

At pagbalik ng tingin ko sa kinauupuan ni Jared, wala na siya dun, nauna nang naglakad palabas ng gym.

 

 

So, yun na nga ang nangyari.

I closed my eyes and took ten heavy heaps of breath before running to catch up with him.

AT nung maabutan ko siya, agad ko siyang hinila paharap sa akin. Niyakap ko siya.

Sa tingin ko, ito ang tamang paraan para mapakalma siya.

“Jared please, kausapin mo naman ako. Please.”

Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya, sa ganitong paraan, dinig na dinig ko ang bawat pagtibok ng puso niya. Nakagagaan ng pakiramdam.

“Ano bang gusto mong pag-usapan?” Malamig na sabi niya, hindi pa rin siya nagrerespond sa yakap ko, ang mga kamay niya’y nakalaylay pa rin sa magkabilang panig ng katawan niya.

“Nagseselos ka ba?”

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa bewang niya at hinawakan ang mga ito.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon