***
KATY’s POV
“You have to promise you won't fall in love with me.”
Sana…sana noon pa lang, sinabi rin niya ang mga katagang iyan sa akin para hindi na ako nahulog pa.
Bumuhos na naman ang mga luha ko. Ang mga luha ko na laging punong-puno ng sama ng loob at mistulang hindi na maubos-ubos. Ilang araw na ba mula noong nagpasya na akong kalimutan siya? Alam kong saglit na panahon pa lamang pero sinusubukan ko talaga ang lahat ng aking makakaya para magpakatatag.
Tss…kabaliwan lang talaga ang naidudulot sa atin ng pag-ibig na ‘yan. Before you know it, you’re already losing yourself. From now on, magiging matapang na ako.
Matapang? E ba’t umiiyak na naman ako ngayon?
Napabuntong hininga na lang ako, sumubo ng isang kutsarang punong-puno ng chocolate Ice cream at saka ako sumandal sa balikat ng best friend kong si Alex.
Akala niyo ba si Jared na naman ang dahilan ng pag-iyak ko? Hindi ‘no!
Nanonood lang kami ngayon ng ‘A walk to remember’ kaya nag e-emote na naman ako. Ang sakit kasi magbitaw ng mga linya ni Landon at Jamie eh. Talagang tagos sa puso. Si Alex lang ang nayaya ko kasi naman, siya lang ang available, at sabi naman niya…gustong-gusto niya rin daw na mapanuod ulit ito.
Nakakakilig daw kasi. Natawa na nga lang ako eh. Pano, diba nakakabakla pag ang lalaki nagsabi ng ‘nakakakilig’?
Muli, napabuntong hininga na lang ako at inulit ang ginawa kong paglamon sa chocolate ice cream na nasa harap ko ngayon. Comfort food ko kasi ito.
Ito nga pala ang favorite movie ko eversince. Dito ko kasi nalaman kung gaano ka-powerful ang Love; it changes you, it makes you strong and the best of all…it makes miracles possible.
Pero ngayong na-experience ko na kung paano masaktan ng paulit-ulit dahil sa l-cheng pag-ibig na ‘yan. Nagbago na ang pananaw ko.
Eh ba’t ko pa rin ito pinapanood?
Simple lang. Para kahit sa pelikula man lamang, masaksihan kung ano ang ipinagkakait sa akin ng kapalaran, at kung araw-araw kong gagawin ito…siguro, magigising na lang ako na kaya ko na ang lahat ng sakit, na manhid na ako.
Nagpatuloy lang ang pagpaplabas ng movie sa TV. Kapwa tahimik lang kami ni Alex at ninanamnam ang bawat eksena. Nagpapasalamat nga ako at hindi siya tulad ng ibang lalaki na ayaw sa mga romantic films.
Hindi siya kagay ni Jared.
***
“Love is like the wind, you can’t see it, but you can feel it.”
Namatay na nga si Jamie dahil sa leukemia, isang introvert na nainlove sa isang badboy na tumupad sa lahat ng mga hiling niya bago pa man siya mabawian ng buhay, pero bago matapos ang lahat napagbago niya ang lalaking ito for the better, dahil nga sa ‘love’.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
Fiksi PenggemarSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...