30. I Won't Give Up

2.4K 38 0
                                    

***

 

KATY’s POV

 

“Girl! Grabe, ang dami nang nangyayari at mukhang wala ka nang alam.” Sabi ni Liz habang naghihintay sa akin sa labas ng cubicle. Ang astig lang kasi ng room ko, may sariling CR.

 

Ano pa nga bang kailangan kong malaman tungkol sa paligid ko? Hindi ko na siguro kailanganing problemahin ang problema ng iba ‘diba? Masiyado na akong maraming problema.

Sabi ko sa isip habang palabas ako.

Pero, siyempre dahil kaibigan ko itong si Liz, kailangan ko siyang pakinggan dahil sabi nga niya, wala siyang nakakausap for the past few days.

Kahit papaano, gusto ko rin ng updates galing sa Alma Mater ko ‘no.

“Sige nga, magkuwento ka.” Naghugas ako ng kamay sa lababo.

“Hay nako…” bumuwelo siya, at sumandal sa nakasaradong pinto. “Umpisahan muna natin doon sa mga chakang bully sa school, well, you know, yung grupo bg mga pangit na girls na laging nang-aaway sa’yo, expelled na nga pala sila, effective yesterday.”

“O? Bakit naman?”

“Nahuli kasi silang nagvavandal sa gym one night, And when I say ‘vandal’…” she created air quotes.

“…yung malalaking sulat talaga na covered ang halos kalahati ng gym. Diba, Matagal nang problema sa school yun.” She crossed her arms even.

“Tapos nung mahuli sila, akala mo kung sinong mga anghel kung makapag-sorry! Grabe, nanggigil talaga ako lalo na nung Makita ko yung Jenny. Tsk! Remember that freak?!” She shook her head.

 Tahimik lang akong tumango.

Oh yeah, that girl. Yung nagtangkang magpa-rape sa kaniya at yung mga babaeng araw-araw na kumukumpleto sa araw ko sa tuwing pinagsasalitaan nila ako ng masama—wala na sila sa school.

Magiging maayos na kaya ang buhay ko?

Hindi pa.

I’m sure of it…hindi pa.

 

“Naku, nas-stress nanaman ako pag naaalala ko. Next topic na nga!” Nag-isip siya sandali at nag-umpisa muli.

Ang cute niya mag-isip, talagang naka-point yung index finger niya sa noo niya.

“Si Ano! AH-ano na nga ulit pangalan nun?!”

Aba malay ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang kuwento niya.

“Si Kevin yung babaerong pogi? You know him?”

Kevin? Naririnig ko ang pangalan niya pero hindi ko yata masyadong kilala. Wala naman kasi akong interest sa ibang boys sa school.

Umiling ako, “No, I don’t”

“Seriously, you don’t? Magaling din siyang sumayaw, member siya ng Dance club.”

Still, I shook my head.

“Hindi eh. Si Emac lang naman ang kilala kong babaerong pogi at magaling sumayaw eh.”

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon