“Siya yung babaeng laging sumasama sa band members ng ‘Hybrid’ diba? Psh. Di naman maganda.”
“Makapal lang talaga MUKHA niya, if I know, siya lang ang nagpupumilit sumama sa mga yun. Mas maganda pa ako diyan eh.”
“Ang panget niya! Tignan mo nga kung paano manamit! Di man lang makapag-ayos.”
“Malandi yan! Akala mo kung sinong di makabasag pinggan kung kumilos diba, pero malandi yan!!”
Naririnig kong nagbubulong-bulungan ang mga tao sa paligid ko habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom.
Bulong pa pala yan, sorry naman ha, masyado kasi yatang malinis ang tenga ko para marinig na talagang pina-uusapan nila ako.
Hindi ko na lang sila pinansin at taas noong nagpatuloy.
Sanay na ako sa mga ganitong pangyayari.
“Excuse me girls, para sabihin ko sa inyo, ang papangit niyo!” Napatingin ako dun sa babaeng nagsabi ng mga bagay na iyon, ang lakas ng loob niya ha.
“Ikaw miss, ang kapal ng make up mo,” dinuro-duro niya yung babeng naririnig kong chinichismis ako kanina.
“…para sabihin ko sa’yo mukha ‘yan, hindi coloring book. Ang lakas din ng loob niyo na magsimula ng chismis sa ibang tao, pero sarili niyo hindi niyo mapuna. ANG PAPANGIT NIYO!”
Natulala lang ang grupo ng mga babaeng sinabihan niyo ng ganun. Napayuko Ang iba at umalis na. Napahiya sila, marami pa namang taong nagkalat ngayon sa hallway na nagmamadali para hindi mahuli sa kani-kanilang klase.
Pero may isang babae, parang lider yata nila. Nakipagsukatan siya ng tingin dun sa babaeng nagtanggol sa akin, at dinuro niya ito.
“Ikaw! Ikaw pa lang ang tanging babaeng nakapagpahiya sa amin! Hindi mo siguro kami kilala ano?! Tandaan mo itong mukhang ito dahil babalikan kita. May araw ka rin sa amin!” babala nito.
“Uh…scary?” sarkastikong niyang sagot.
Nanggigigil na umalis yung babae. Nagpalakpakan lahat ng tao na nakasaksi sa pangyayari.
Totoo ba ito? There’s somebody who really stood up for me, na hindi isa kina Jared?
Maganda siya, Mahaba ang kulot at kulay tsokolate niyang buhok, maganda siyang pumorma—total fashionista, sa lahat ng nakilala kong mga ka-uri niya, siya lang ang hindi maarte…siya lang ang mabait—yata.
Nilapitan niya ako.
Siyempre medyo natakot ako dahil baka ako ang isunod niyang sigawan, pero nagulat na lamang ako nang iextend niya ang kamay niya at makipagkamay sa akin.
“Hi, I’m Liz…Elizabeth Beatrice Sta. Maria, I’m new here, and you are?”
“Katy, Katy Constantino…” I smiled, magaan ang pakiramdam ko sa kanya, ang nice niya. Ang sweet pa ng ngiti niya.
“Pabayaan mo yung mga yun, wag mo silang pansinin, insecure lang sila.”
“Ah, Oo, sanay na ako sa kanila.”
“So, friends?”
She offered.
“Sure!”
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...