35. She Is Love

2.4K 41 8
                                    

***

I feel like the world stares at me in awe tonight. Not in a way that I would be gratified, but in a way that I would feel belittled.

And now the world smiled; an evil smile…until that smile turned into a laugh; a horrifying one.

I frowned. And for a moment I thought, ‘I really am dumb; I’ve fallen for the same joke twice’. I believed in the fake ‘I love you’s’ only for it to betray me repeatedly.

“Ba’t ba nakasimangot ka ngayon Kate? Nasisira tuloy ang ganda mo!” sigaw ni Alex sa harapan ko, at saka ko na-realize. May kasama nga pala ako.

Nakatulala nanaman kasi ako at kung anu-ano ang iniisp.

“So ito pala ang purpose kung bakit ka sa akin nagpadala ng dress. Magka-kuntsaba pala kayo ni Liz.” I said as I folded my arms across my chest.

After classes, sinamahan ankong magbihis ni Alex dito sa gym. Hindi naman pala nagpapadala ng dress yung dance instructor. Kaya lang niya ito sinabi kanina dahil pinakiusapan pala siya ni Liz. So whether I like it or not, I’m off to Green Park now.

“H-ha..” napahawak siya sa batok niya, marahil ay hindi na makapag-isip ng idadahilan. “Eh kasi mapilit si Liz eh, gusto ka talaga niyang pumunta dun. Sorry ha.” Napangiti na lang siya.

“Sige na. Okay na. Wala na rin akong magagawa. Nandito na eh, pero ano nga bang magaganap dun? Formal event ba? Ba’t kailangang naka-dress?”

Saglit na napatingin ako sa expression niya, medyo hindi nga niya alam ang isasagot niya, kasi hindi rin siya mapakali sa kinauupuan niya.

“Honestly, hindi ko alam eh. Pero alam mo kung anong alam ko ngayon?” Tumitig siya sa akin.

“Ano?”

“You’re drop dead gorgeous.”

And it took me a while to respond.

Natulala ako sa sinabi niya, at medyo nauutal pang sumagot. Hindi kasi talaga ako sanay kapag sinasabihan ako ng ibang tao ng ganiyan. Naiilang lang ako.

Tumalikod ako agad dahil naramdaman kong umiinit ang mga pisngi ko. Marahil nga’y namumula na ako.

“Bolero! Naka-dress lang maganda na?!” bawi ko.

Lumapit sa akin si Alex at humawak sa magkabilang panig ng braso ko. Locking my frame in front of him to have a fuller and close up view of my face.

“Matagal ka nang maganda, konting ayos na lang para ‘mas maganda’.”

Napangiti lang ako pero hindi na ako nagsalita pa.

“Naku Katy, tigilan mo ako ha. Baka biglang magbago ang pagkakakilala ko sa sarili ko nang dahil sa’yo.” Nakangiting sabi niya, at saka niya ako hinatak papunta sa naglalakihang salamin sa gilid ng gym. The exact spot where we always practice dance routines.

“O ayan! Look at yourself.” He commanded.

Ayoko man sanang aminin o ikumpirma, pero oo nga talaga, maganda ako ngayon. Medyo wag lang nating i-consider ang mga mata ko na halatang pagod sa kaiiyak.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon