---PLEASE PO. Read Author's note sa baba. Minsan lang naman po ito eh. Urgent lang. buburahin ko rin balang araw.
***
Laylay ang mga braso ko nang pumasok ako sa kuwarto. Sobrang nanghihina ako sa nasaksihan ko kanina. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko…pati na rin sa iniisip ko.
Ano ba iyon na kailangan kong malaman tungkol sa kanilang dalawa ni Alex?
Natatakot ako sa mga posbilidad, pero hanggang alam ko pa sa puso’t isip ko na mahal ko siya, hindi ako susuko. Sana ganun din siya sa akin. Sana wag niya akong sukuan.
‘Hindi ako aalis Jared, dito lang ako, hindi kita iiwan.’
Naaalala pa ba niya ang sinabi niyang iyon noon sa akin? Sana naaalala pa niya. Ako kasi, sariwa pa sa memorya ko ang gabing iyon. Ang gabi kung kailan inakala kong galit sa akin ang mundo at galit din ako sa lahat ng tao, maliban sa kaniya. Hindi nga kasi niya ako pinabayaan. Hindi niya ako iniwan…at hindi daw niya ako iiwan.
Iyon na lang kasi ang pinanghahawakan ko sa kaniya ngayon. Ang salitang binitawan niya, at may tiwala akong hindi siya yung tipo ng taong hanggang sabi na lang.
Humiga ako sa kama at isinandal ang ulo sa mga palad ko. Gustong-gusto ko sanang bumaba sa mga oras na ito para malaman kung naroon pa silang dalawa sa living room kaso baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Ang alam ko lang ngayon…mahal ko si Katy, at kahit anong mangyari, itutuloy ko iyon bukas.
***
Tatlong pulang numero ang nakita kong umiilaw sa sidetable ng kama ko. 2:57 na pala ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kahit ilang beses akong pumikit, nagf-flashback lang sa isipan ko yung kanina.
Si Katy at Alex pa rin.
Oo. T-ngina. Nababaliw na ako.
Kaya imbis na makatulog at baka bangungutin pa ako dahil sa kanila, mas pinili ko na lang na dumilat hanggang sumikat na ang araw. Pero…sa totoo lang medyo bumibigay na nga rin ang mata ko.
Isa’t kalahating linggo na akong walang matinong tulog eh, tapos napagod pa ako sa practice este…preparation pala namin para bukas…este mamaya pala, dahil nga madaling araw na.
Ilang sandali pa, narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko at nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng paa, na papalapit sa akin.
Shet. Multo?
Agad akong pumikit at nagkunwaring tulog.
Hindi. Hindi ako takot. Ayoko lang makakita. Teka, anong pinagkaiba nun? Bahala na nga.
Pinakiramdaman ko lang ang paligid. Hanggang sa may maramdaman akong umupo sa gilid ko. Lumundo kasi yung kama. Kaya naman lalo akong nanatiling stiff sa puwesto ko. Ba’t ba hindi na lang kasi ako natulog? Imbis na antok, kung ano-ano pa tuloy ang dumadalaw sa akin.
Hanggang sa marahang niyakap ako ng kung sino man. Salat na salat ko ang malambot at mahabang buhok na tumatama sa gilid ng pisngi ko ngayon.
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...