37. Breathe

2.2K 34 4
                                    

Katy’s POV

Mukhang wala na akong magagawa.

“Alex, tama na. Tara uwi na lang tayo.” Masakit man sa puso kong gawin pero binitawan ko si Jared at nagtungo sa kinalalagyan ni Alex.

Sa pagkakataong ito, nahirapan akong pumili pero sa palagay ko mas maiintindihan ako ni Jared kaya binitawan ko siya…ayokong mastress si Alex. Ayokong maging dahilan para mapaaga ang…

“Kate…let him speak.” Pagmamatigas ni Jared.

Napaisip ako, habang nakayuko, it’s not a big deal…really. It’s just that ayokong kaawaan nila si Alex, dahilan para ipamigay ako ni Jared. Ayoko tyalagang mangyari yun, kaya siguro pinangunahan ko na lang din ang desisyon niya. Nanlambot ang tuhod ko sa naisip pero agad akong nakabawi bago pa man tumulo ang luha ko.

Tumingin ako sa mga mata ni Alex. Nagtatanong.

Okay lang ba?

Nakatitig lang din siya sa akin. Walang nagsasalita.  Pero dama ko naman ang nais niyang ipahiwatig. Huminga siya ng malalim at saka ngumiti.

Oh God. Sana magandang senyales ito.

“It’s okay Katy. It’s okay…” bulong niya sa akin.

Tumango na lang din ako. Tahimik pa rin, at saka ako taas noong humarap sa kanilang lahat. Ngayon ko lang napansin, lahat pala sila nakatingin sa amin, kapwa hindi rin nagsasalita, pero mahahalata mo ang hitsura na hindi nila maintindihan ang nangyayari. Ako rin naman eh, kung hindi ko nalaman ang nangyayari kay Alex, hindi ko maiintindihan ang mga nangyayari.

Tumigil ang mga mata ko kay Jared, gumuguhit sa mukha niyang nasasaktan siya.

Wag please…wag mong ipakita yan.

 

Alex stepped forward.

I closed my eyes.

“I have leukemia.” He said, his voice not even cracking. “…and I’m dying.”

I just wanted to scream ‘stop!’ but my voice isn’t allowing me too. A tear escaped my eyes. I never thought this day to end up this way.

“Kaya ako napunta dito saManila ay dahil gusto kong makita ulit si Katy, ang childhood bestfriend ko, ang kaisa-isang taong tinanggap ako at minahal ko ng lubos.” Sa pagkakarinig ko nun, automatikong tumingin nanaman ako kay Jared. Walang bakas ng kung ano pa man ang makikita sa mukha niya.

Ano kayang iniisip niya? Ibibigay na niya ako? Paano niya ako ibibigay e hindi naman ako sa kaniya?

Hindi pa.

“Hindi nagkataon lang ang lahat. Talagang pinasadya kong mangyari. I researched your place, your school…and everything. Ito na lang kasi ang kahuli-hulihang hiling ko sa mga magulang ko bago ako ako mawala. Gusto kitang makita Katy. Gusto ko sanang maranasan na mahalin mo ako. I stopped taking medications for a month already. Pasasaan ba kasi’t mamatay din naman ako, papahirapan ko pa ba ang sarili ko?” Alex smiled bitterly.

“Gusto kong magpakasaya naman…gusto ko kasama ka.” He looked at me. “Kaso mukhang may iba na pala.” Biglang lalong lumungkot ang hitsura ni Alex. Si Jared nga ang tinutukoy niya.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon