7. Ikaw Lang Talaga

3.5K 48 4
                                    

“Kate, ibang klase yung bago mong kaibigan ‘no, ang tapang niya.”

Nagalakad kami ngayon ni Jared pauwi, katatapos lang ng basketball practice nila at talagang hinintay ko siya.

“Sinabi mo pa, pero promise! Mabait talaga siya kapag nakilala mo na siya ng mabuti.”

“Halatang bago lang siya dito, hindi pa niya lubos na kilala ang mga ugali ng tao. Kahit sino binabangga niya, pero dun sa nangyari kanina kay Emac, sa tingin ko he deserves it. Para naman matauhan.” Tumawa siya, sabay para ng tricycle.

“Sakay na.” utos niya nang huminto ito sa tapat namin.

“Ha? Eh bakit san ba tayo pupunta? Gabi na ah.”

“Daming satsat, sakay na.” tinutulak niya ako papasok.

“Saan nga tayo pupunta?”

“Malamang uuwi. San pa ba?”

Sumakay na ako, tumabi naman siya sa akin. Akala ko naman kasi sa kung saan niya ako dadalhin, hindi naman kasi namin ugaling sumakay pag pauwi kami eh. Mas gusto naming maglakad…hindi naman kasi malayo ang Village na tinitirhan namin dito sa school.

Isa pa, mas gusto kong maglakad kasama siya para mas matagal ang mga oras na magkasama kami.

Iuuwi na kita sa’min…” bulong niya, pero narinig ko, hindi nga lang ako sigurado kung iyon nga ang sinabi niya dahil kasabay nito ang pag-andar ng makina ng kinasasakyan namin.

“Anong sabi mo?”

“Wala. Sabi ko kay manong sa Alfonso Village.”

Yun ba talaga ang sinabi niya kanina? Sana pala hindi na lang ako nagtanong at pinaniwala ko na lang ang sarili ko na iba ang sinabi niya.

“Kamusta naman daw yung contest na sasalihan mo?” tanong niya.

“Parang pageant daw pala eh.”

“Nice! Ang ganda talaga ng best friend ko.”

I smiled. Nakakatuwa talaga pag sa kanya galing ang compliment, parang totoo.

“Syempre naman!”

“Susuportahan talaga kita diyan, promise! Kahit maputol pa ang mga ugat sa lalamunan ko, hinding hindi ako magsasawang i-cheer ka. Hinding-hindi ako magsasawang isigaw sa buong mundo na maganda ka. Ako ang magiging presidente ng fans club mo.”

Diba? Sabi ko sa inyo eh, parang totoo!

“Naks! Ang supportive ni best! Thank you!” Sabi ko, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

Sana…ganito na lang lagi

“Anong ‘thank you’? May bayad yun ‘no.”

“Tse!”

“Katy, nandito na tayo.”

Huminto ang tricycle sa tapat ng Village, hindi na namin hiniling pa na ipasok ito dahil malapit lang naman ang bahay namin mula sa main gate nito. Konting lakad na lang.

Bumaba na kami, at inabot naman niya ang bayad dun sa driver tapos naglakad na kami.

“Ja, alam mo, ang saya ko ngayon.” Pagsisimula ko.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon