26. Torn Up

2.6K 44 9
                                    

Mabagal…mabagal na mabagal ang pagdaan ng araw.

Hindi ko kasi siya kasama, mula kaninang umaga nang kausapin siya ni Charry, hindi ko na siya nakita. ano na kayang ginagawa nilang dalawa?

Nagkapatawaran na kaya? Sila na kaya ulit?

Hindi ko na alam. Ano pa ba ang hindi ko nalalaman?

 

“Ouch!” natapakan ko nanaman ang paa ni Alex.

“Sorry…” sorry nanaman, kanina ko pa ‘yan sinasabi sa kaniya.

“Okay lang.” ngumiti naman siya at pinagpatuloy pa rin ang pag-akay niya sa akin, too bad, medyo hindi na kami nakasabay sa steps.

Napansin kami ng guro.

“Katy! Kanina ka pa wala sa sarili mo, ano bang nangyayari? Ulit tayo mula sa simula.” Utos ni Teacher V.

Konti na lang siguro ang natiitrang pasensiya niya sa akin ngayon.

“Sorry po.” Ulit ko, habang nakatingin lamang sa wooden floor na kinatatayuan ko ngayon.

Nasa practice kami ni Alex ng dance routine na gagawin namin para sa presentation. Kailangan ko kasing maglaan ng extra time para dito dahil 3 araw na akong hindi umaattend ng practice. Apparently, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko pa nakakausap man lamang uli o nakikita si Jared.

Agad kasi kaming pinapunta dito sa gym matapos ang flag ceremony.

Tanghali na…

“1…2…3…and down!”

Alex leaned closer to my face, hawak niya ang bewang ko at dahan-dahan akong binend backward. Tinitigan muna niya ang mukha ko, at saka marahang hinaplos.

That will be our ending position.

Bakit pag si Jared ang kaharap ko ng ganito kalapit, hindi na ako makahinga?

*BOOG!

Dumulas ang paa ko sa sahig, buti na lang, hawak pa rin ako ni Alex kung hindi, baka tuluyan na akong nabalian.

Lalo pang lumapit ang mukha niya sa akin.

“Guys! Lunch break muna, be back here after 1 hour.” Si Kuya Rey ang nagsalita, siya nga pala ang aming baklang Dance instructor. “Sige na, sige na chupi chupi! Tama na ang titigan, gora na sa lafangan.”

Agad naman ako, tumayo pagkasabi ‘nun. Nahihiya na talaga ako kay Alex.

“Poks, okay ka lang?” nakahawak siya sa batok niya.

“Okay lang ako.” Nag-thumbs up pa ako para makumbinsi siya, napakasinungaling ko.

saka ako biglang tumalikod sa kaniya at naglakad palayo.

“Kate, saan ka pupunta?”

Napatigil ako sa paglalakad, dead end na pala  sa tinutungo ko, hindi ko man lang napansin, akala ko kasi, patungo ako sa pinto palabas.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon