“Para sa’yo. Sabi sa akin ni Jared habang manghang-mangha ako sa ganda ng kuwintas na hawak niya.
“H-ha?” Nauutal kong tugon.
Nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman talaga akalain na para sa akin yun. Peace offering? Nagkaroon ba ng himala bigla?
Nakatitig pa rin ako sa kanya, marahil ay sa dinami-dami ng bagay na tumatakbo sa isipan ko ay hindi na naisip ng katawan ko na magsalita o mag-react. I was deeply consumed by my thoughts.
I’m in a deep state of shock.
“Naubos ang pera ko dahil dito. Ang mahal kaya nito. Plano ko sanang ibigay ito kay Charry kaso---“ hindi na niya itinuloy ang sinasabi niya.
Langhiya ka talaga Jared. Ang paasa mo. Charry na naman, hello? Ako kaya ang kasama mo…
Lahat ng naramdaman kong kasiyahan kanina, nawala parang bula…yung feeling na para kang nakasakay sa isang roller coaster. Kasalukuyan kang nasa pinakatuktok tapos biglas dumulas ito pababa. Diba ang sakit sa puso? Ganun na ganun din ang nararamdaman ko ngayon.
Huminga ako ng malalim. Nagpipigil ng luha.
“Kaso ano?”
“Wala. Sa’yo na ito.” Ibinibigay na niya sa akin ang kuwintas na para kay Charry.
“H-ha? Hindi ko matatanggap ‘yan. Ayoko.” Pagtanggi ko.
“Wag ka na ngang maingay, hindi ko na ibibigay ito sa kanya ‘no, magka-away kami ngayon. Sayang naman kung itatapon ko. Inubos nito ang pera ko.”
Kahit gaano ka-ganda ang bagay na binibigay niya sa akin, basura na ang tingin ko dito. Hindi ko yata masisiskmurang tumanggap ng basura.
“Ayoko. Edi ibigay mo sa kanya yan kapag bati na kayo.” Tumalikod ako.
“Eh basta sa’yo na ito.” Maya-maya pa, nakaramdam na ako ng malamig na bagay sa leeg ko, ikinakabit na pala niya ang kuwintas sa akin.
“O ayan! Ang ganda diba! Regalo ko na yan sa’yo. Sorry kanina ha.”
Napahawak ako sa pendant, maganda nga. Ang tanga ko talaga. Pagdating talaga sa kanya, tumitiklop ako kahit anong katigasan pa ng ulo ang meron ako. Yes, tumanggap po ako ng isang basura.
L-cheng prinsipyo yan. Hindi ko naman napanindigan.
Katy, yung totoo may natitirang pride ka pa ba?
“Hindi mo ako madadaan sa ganito, may dapat ka pang ipaliwanag.”
“Ano yun?”
“Yang pasa mo, san galing?” tinuro ko ang kaliwang bahagi ng labi niya.
“Ah…napa-away ako kanina, ayoko sanang sabihin dahil alam kong magagalit ka.”
“TALAGANG MAGAGALIT! Ano bang pumasok sa kukote mo at nakipag-away ka?”
Tinitigan niya ako.
“May nambabastos kasi kay Charry kanina, tinuruan ko lang ng leksyon.” Kagat-labi niyang sabi.
Hinampas ko ang braso niya. Kahit pa, masakit ang katawan niya dahil sa pagbuhat niya sa akin kanina.
“Kate, sana maintindihan mo, binabastos ang Girlfriend ko, alangan naman titigan ko lang sila tapos palakpakan. T-ngina, siyempre naglabas ako ng lahar.”
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanfictionSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...