29. Everytime

2.6K 36 2
                                    

KATY’s POV

I woke up with a slight feeling of dizziness in my head on a white spacious room. The place looks peaceful and it smells good…really good.

The aromatic fragrance of freesia with hints of pure gardenia cheers up my tired and swelling body.

This is so relaxing.

As I examine the place, nalaman kong nasa ospital nga ako.

Who brought me here?

The last thing I remembered before everything retires into darkness is the strong feeling of hurt, right here…just right here in my heart…and then my breathing stopped.

And for that moment, darkness seemed blissful to me.

Parang gusto ko ng sumama sa never-ending eclipse na nakalantad sa harapan ko.

Niyayaya na ako ni kamatayan at gustong-gusto ko ang pakiramdam nito.

Walang hiya kasi yung taong mahal ko eh, sinasaktan niya ako.

Bakit nga ba hindi na lang ako namatay?

Eh kung sa bawat araw na nabubuhay pa ako ganun na yung pakiramdam sa tuwing makikita ko siyang Masaya sa piling ng iba at binabalewala na ang existence ko sa mundong ito.

Kung sa bagay, hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit nabubuhay ako…marami ang nagmamahal sa akin.

Pero, mas may kahulugan sana kung pati siya isa dun.

 

Ano ba Katy? Mag move-on ka na, kalimutan mo na siya, marami pang lalake sa mundo na deserving sa pagmamahal mo.

Move on?

Kalimutan siya?

Pasensiya na pero wala pa iyon sa option ko.

Pwede bang hayaan niyo na lang akong mahalin siya, kahit masakit, hanggang makalimutan ko siya?

Pero sa tingin ko, hindi ko na siya makakalimutan kahit kailan, kahit pa magkaroon ako ng amnesia.

Hindi lang naman kasi sa utak ko siya nakatatak eh, sa puso rin.

Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ang gulo-gulo nitong pinasok ko?

Papayag-payag akong magpagamit tapos magrereklamo ako ngyon na nasasaktan ako. Well, umasa kasi ako eh.

Akala ko, ako na talaga.

Isang napakalaking ‘maling akala’ lang pala.

Tumagilid ako ng paghiga, at doon, hindi ko na napigilan, bigla na lang tumulo ang kanina pa nagbabadyang luha sa mga mata ko.

I closed my eyes.

Pero agad akong dumilat muli nang maaninag ko sa Malabo kong paningin na may isang tao palang kanina pa nakatunghay sa akin.

Nakaupo siya sa hospital chair sa tabi lang ng kama ko.

Medyo napanganga lang naman ako sa nakita ko.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon