39. Not Meant To Be

2.1K 31 15
                                    

“Miss na kita…” inulit ko pa.

Ang best friend ko…

Ang taong mahal na mahal ko…

Miss ko na siya.

Namumuo na naman ang mga luha sa sulok ng mga mata ko. Sabik na sabik na akong muling Makita ang mga ngiti niya. Sabik na sabik na akong maibalik yung meron kami dati…na kahit best friend lang ako para sa kaniya.

Nangangatog ang mga tuhod kong humakbang para makalapit sa kaniya. Paano kaya kung i-reject niya ako? Ewan, bahala na.

Nakatingin lamang siya sa malayo. Hindi ko nga alam kung alam niyang nandito pa ako sa paligid niya eh. Naka-tanga ko talaga! Ako na nga itong pinagtatabuyan ng harap-harapan hindi pa ako matauhan. Kulang na nga lang siguro eh ang tadhana na mismo ang magpukpok ng bato sa ulo ko para paniwalain ako na hindi nga talaga kami para sa isa’t-isa.

Napaka-bata ko pa ngunit bakit ganito ako desperado sa kaniya?

Alam kong mali ito in all aspect, pero ang kulit-kulit ng puso ko. Ito na nga ba yung sinasabi nilang right love at the wrong time?

Paano magiging ganon eh hindi nga ako ang right love niya…mali—wrong love at the wrong time ito.

Baliw. Yan na siguro ang pianakabagay na salitang makakapaglarawan sa akin ngayon.

Nang makalapit na ako sa kaniya, lakas loob ko na sana siyang yayakapin ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko.

“Hello?” Agad ko itong sinagot. Mabuti na lang talaga at kapalaran na rin ang pumigil sa akin.

“Kate, punta ka na daw sa gym ngayon, general practice tayo para sa number mo bukas.”

“Okay Justin, papunta na ako. Salamat.”

Naalala ko, bukas na pala yung pageant na pinilit nilang salihan ko. Siya nga pala, yung tumawag, si Justin iyon, ka-member ni Emac sa dance club. Siya ang tinaguriang dance floor hottie dito sa buong campus at siya rin ang bago kong dance partner mula nang pumunta na si Alex sa ibang bansa para magpagamot. Besides, sobrang hina na rin naman na ng katawan niya, hindi na niya ako kayang partner-an pa sa sayaw.

Akalain mo yun, ang lakas ng loob niya noon na agawin ako tapos lilipad din naman siya patungong ibang bansa at iiwan ako.

Matapos nila akong pagproblemahing dalawa eh parehas lang pala nila akong tatalikuran.

Okay na sana ang lahat eh, kaso ba’t nagkaganun si Jared?

Bukas na nga yung pageant, naalala ko yung sinabi niya sa akin dati na hindi siya magsasawang i-cheer ako kahit na maputol pa ang mga ugat niya sa lalamunan. Asan na iyon?

Lahat na lang ng bagay ngayon, nagpapa-alala sa akin tungkol sa kaniya. Ang hirap gumalaw kung mismong mula sa pag-gising ko sa umaga at maaalala kong naroon siya dati sa mismong bahay ko pa at kasama ko sa iisang bubong lamang. Naging malaking parte siya ng pang araw-araw na routine ko dati hanggang sa pagpasok ng school, hanggang pag-uwi at kapag gabi na, hindi lang noong naging peke kaming magkarelasyon ngunit pati noong mga panahon din na best friends pa ang turingan namin at lagi niya akong sinsusundo sa bahay.

Ang hirap isipin na hindi ko siya kasamang gawin ang mga iyon. Ang hirap isipin na mag-isa na lang ako ngayon.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon