20. His Name

2.9K 42 1
                                    

Tik Tok. Tik Tok. Tik Tok.

Patuloy lang ang pag-ikot ng orasan sa loob ng apat na sulok na kuwarto kung nasaan kami ngayon. Nakakainis dahil ramdam na ramdam ko ang bawat pagpatak ng oras na para bang nang-aasar dahil sa sobra nitong bagal.

Akalain mong 30 minutes pa lang pala kaming nakaupo dito, gayong ang pakiramdam ko’y isang libong taon na akong nananatili sa lugar na ito.

OA na kung OA. Exaggerated na kung exaggerated pero pakiramdam ko talaga drained na ako.

Konting-konti na lang pipikit na ako. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng nakapatong sa mata ko. Tapos sa magkabilang panig naman ng tenga ko, may bumubulong na ‘…matulog ka na,’ ng paulit-ulit.

Paano kasi…Physics ang subject.

Kahit anong pilit ko, hindi ko maintindihan ang subject na ‘yan. L-che naman kasi, ba’t ba kailangan pang pag-aralan ‘yan? Makakain ko ba ‘yan?

Pag nakatapos naman ako ng High School, Business Ad ang gusto kong kurso sa college. Hindi ko kailangan ‘yang physics na ‘yan. Ba’t kailangan ko pang sayangin ang oras at utak ko diyan?

Wala din namang patutunguhan….

 

Bwiset.

Nakatungo lang ako sa desk ko habang abalang-abalang nagtuturo at nagddrawing ng kung ano-ano ang guro sa whiteboard sa harap ng klase.

Siguro naman ay hindi na niya ako mapapansin dahil nasa gilid lang ako ng classroom at dulong-dulo pa sa lahat ng row.

Inaantok ako eh, bakit ba?

Try mo kayang tabihan sa kama ng taong dahilan ng bawat pag ngiti mo…makatulog ka pa kaya?

Shet. Naalala ko na naman yung kagabi.

“Ano  ba ‘yan, paulit-ulit! Alam ko na ‘yan eh!” Reklamo ng katabi ko patungkol sa lesson na dini-discuss, habang ginuguhitan ng imahe ni Batman ang likod na pahina ng libro ko.

Ang yabang ‘diba. Ganyan talaga ‘yan si Jared. Palibahasa kasi, gamay na niya ang kahit anong asignatura na may koneksyon sa Mathematics.

Paborito niya ‘yan. Nakakainis nga eh, ‘di ako makasabay.

Okay lang naman sa’kin dahil nakikinabang naman ako. Tinuturuan naman niya ako at hindi rin naman siya madamot magpakopya.

“Edi ikaw na ang magaling!” Inangat ko ng bahagya ang ulo ko para matunghayan ang nakakaloko niyang reaksyon sa pagbibiro ko.

Hindi man lang siya tumingin sa akin at pinagpatuloy ang pagguhit sa libro ko.

“Talaga! Tsss…pakita ko pa sa kanila lahat ng awards ko eh! Tara sa bahay ano?!” Maangas na sabi niya, pero pabiro pa rin naman, akmang tatayo pa siya sa kinauupuan niya.

Oo, exclamation point. Malakas na kasi talaga ang pagkakasabi niya. Wala lang talaga yatang pakialam sa amin ang guro.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon