14. Fall

3.2K 49 3
                                    

 “TARA na sa baba, may hinanda na kasi akong breakfast eh, kain na tayo. Marami pa tayong gagawin.” Sabi niya at nauna na siyang bumaba sa hagdan.

Sumunod na rin ako, napalingon ako sa sala, daraan kasi muna dito bago mapunta sa dining area. Napatigil ako sa nakita kong tatlong malalaking bagahe na nakapuwesto sa tabi ng coffee table.

Ang dami naman yata masyado. Dito na ba siya titra sa bahay ko habangbuhay?

“Mga gamit ko yan, kinuha ko na kanina sa bahay habang nakakulong ka diyan sa kuwarto mo.” Sabi niya, mula sa kusina, napansin niya siguro ang pagtitig ko sa mga gamit.

“Ah…”

Tinulungan ko siya sa paghahanda ng lamesa.

“Wag mo nang gawin yan babe, ako na lang, umupo ka na diyan.” sabi niya habang kinukuha mula sa akin ang mga plato at kubyertos na dala ko. Iniwas ko ito.

Babe daw? hindi yata ako masasanay sa tawag niyang yan sa akin. Yan kasi ang endearment nila ni Charry…dati.

“Ayoko, gusto kong tumulong.” I stuck my tounge out.

Napailing na lang siya habang pinapanood ako na pinoposisyon ko ang mga gamit sa hapag kainan. Nang ready na ang lahat, umupo na ako.

“Yehey! Kainan na!” Sasandok na dapat ako ng kanin, pero kinuha niya at inilayo sa akin.

“Ops!”

“Huy! Akin na yan! Gutom na ako!” pinipilit ko itong abutin, pero mahahaba ang bisig niya.

“Naghugas ka na ba ng kamay?”

“Hindi pa.”

“Maghugas ka muna, dali!”

I rolled my eyes, pero sumunod pa rin ako sa sinabi niya, eh kasi naman! Gutom na ako!

Pagbalik ko, kumakain na siya dun. Tsk ang daya talaga niya. Mabatukan nga.

*POK!

“Aray!” Sinapo niya ang ulo niya.

Inirapan ko lang.

“Eh ang tagal mo kayang maghugas, akala ko nga nilamon ka na ng lababo eh. Haha, kumain ka na nga diyan.” Pag-dadahilan niya.

 “Bilisan mo diyan ha, maglalaba pa tayo, tambak na ang labahan mo. Maglilinis din tayo ng bahay, ang kalat na eh.” Sabi niya nang magsimula na akong kumain.

Halos mabilaukan ako sa mga pinagsasasabi niya. Peste, bakit ba daig pa niya ang ate ko sa pagmamando?

“Hindi ako marunong eh, di ba pwedeng magpa-dry clean na lang?” pag-amin ko.

Ngumiti siya, natatawa sa reaksyon ko.

“Dry Clean? Tss, gastos pa yun, ano pang silbi ko dito? Bilisan mo na lang ang pagkain, tuturuan nga kita diba?”

Ba’t ba kasi hindi ako natuto sa mga gawaing bahay noon?

KAHARAP ko ang isang tambak na labada ngayon. Nakatitig lang ako sa mga ito dahil hindi ko alam kung paano umpisahan. Paano nga ba? Sabi sa TV commercials ihiwalay ang puti sa de-kolor, at iyon na nga ang ginawa ko, ngayon, hindi ko na alam ang second step.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon