24. Lapit

2.8K 43 0
                                    

“Dito ka lang…everything’s better with you.”

Muntikan na akong hindi makagalaw sa sinabi niyang iyon. Alam niyo naman ang mga babae, sobrang daling kiligin. Muntikan na rin akong mamula sa harap niya, kaya naman mabilis na yumuko ako.

“Ano ka ba?! Kung hindi ako kikilos, baka mamatay ka na sa lamig niyan. Tignan mo nga o, nangiginig ka na.” casual kong sagot, na para bang hindi ako tinamaan sa sinabi niya.

“Ah, wala ‘to, basta.”

“Hindi. Making ka sa akin okay?! Kahit ngayon lang please.” Untag ko, kasabay ng biglang pag-ubo niya.

“o *cough* s-sige *cough* na nga, ayoko pang mamatay, hindi pa *cough* kita kayang iwan.”

“HA? May sinabi ka?” hinimas ko ang likuran niya, kunwari ay di ko narinig, pero gusto ko lang naman na ulitin niya yun eh. Actually, narinig ko talaga, malinaw na malinaw pa nga eh.

Kita mo ‘tong tao na ito, kahit na may sakit na’t lahat, nakukuha pa rin niyang patibukin ang puso ko.

Lumakas pa ang pag-ubo niya, kaya naman kahit na gusto ko pa sanang ulitin niya, kumilos na lang ako para magpainit ng tubig sa kusina.

Tama nga naman siya, hindi siya pwedeng mamatay…hindi niya ako kayang iwan.

 

Parang tanga ako na nakangiti habang mag-isa . May maliit kasing kusina sa kubo na napuntahan namin, sana wag magalit kung sino man ang may-ari nito dahil ginalaw ko na yung iba niyang kasangkapan. Pasensya na po, kailangan lang talaga.

Sana nga, dito na lang kami eh, tahimik kasi dito, walang tsismosa, walang mang-aagaw…simple lang ang buhay. Ayoko nang bumalik sa siyudad. Gusto ko dito na lang kaming dalawa…forever.

“Matagal pa ba yan?” pagrereklamo  niya, buti na lang at kumulo na nga sa wakas ang tubig.

“Hindi. Eto na po sir.” Agad ko naming sinalin ito sa isang basin at nagbabad ng malinis na bimpo.

Naku, kung wala lang siyang sakit, di ko siya pagsisilbihan ng ganito.

Hindi nga ba?

Sabi ng teacher ko sa health class, hot compress daw eh. Hot compress nga ba ang tawag dito? Ewan ko, di ko matandaan. Pasensya na, hindi ko rin ugaling making sa teacher.

“Umayos ka na.” utos ko, pagkuwa’y sinimulan ko na siyang punasan.

“Ano yan? Chinachansingan mo lang yata ako eh.”  

Tapos bigla kong naalala, kailangan niya din palatanggalin yung polo niya.

“H-ha?! Hindi uy!” Kunwari tumalikod ako, “Tanggalin mo na yug polo mo, para mapunasan yung katawan mo.”

“Ikaw na.” walan emosyong sagot niya. “Mahina ako ngayon eh.”

“Eh akala ko b—“ naputol ang pagsasalita ko nang bigla nanaman siyang umubo.

Yung totoo, Sakit  pa ba yan o drama na?

“O sige na, ako na.”

“Thanks buko…” Tapos ngumiti siya ng pagkatamis-tamis.

Tsss…inasar pa ako.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon