32. Best I Ever Had

2.3K 34 4
                                    

***

Jared. Wake up!

 

Jared. Wake up!

 

Jared. Wake up! Ano ba?! Gumising ka na, nagugutom na ako, magluto ka na please! Kung Hindi ka gigising…

 

Minulat ko ang mga mata ko at bahagyang kinusot-kusot pa ang mga ito. Hindi ako puwedeng magkamali, boses ni Katy ang narinig ko.

Agad akong napaupo, at napahiga muli nang makaramdam ako ng matinding sakit ng ulo. Argh! Hang over nga pala ito. Napahawak na lang ako sa noo ko at marahang-marahan na minasahe ito.

Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at ginawa ko iyon?!

Jared. Wake up!

 

Jared. Wake up!

 

Jared. Wake up! Ano ba?! Gumising ka na, nagugutom na ako, magluto ka na please! Kung Hindi ka gigising…

Umulit pa ang naririnig kong boses ni Katy. Nandito siya. Malapit na malapit kung nasaan ako ngayon. Inikot ko ang paningin sa paligid pero hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko ito bahay. Hindi rin ito ang bahay ni Kate. Puting-puti at mukhang elegante ang lugar, lahat yata ng gamit na puwede mong kailanganin sa isang kuwarto nandito na. Kumpleto. Parang yung hitsura ng mga kuwartong makikita mo sa lifestyle magazines, pero kaninong kuwarto ito, at sinong nagdala sa akin dito?

Napahilamos na lang ako ng palad nang maalala ko ang natitira pang pira-pirasong memorya sa utak ko habang nasa tamang pag-iisip pa ako kagabi.

I was in a bar, drinking myself to death…I was hurt, very hurt. The place was crowded; people are dancing around me, all sozzled up…The noise, was so loud that I can’t even hear my thoughts. There too, was a girl, and she was with me…and then we…we were suddenly making out.

That girl…we kissed, and savored each others mouth until we were both gasping for air. But, who is she again?

Jared. Wake up!

Naputol agad ang pag-iisip ko nang marinig ko iyon. Yung boses na iyon ang nagpapakalma sa akin kahit ano pa man ang nangyayari.

“Kate?” tawag ko.

 

Jared. Wake up!

Walang sumagot. Sa halip, yun lang ulit ang narinig ko.

“Kate?”

Wala pa rin.

 

Jared. Wake up! Ano ba?! Gumising ka na, nagugutom na ako, magluto ka na please! Kung Hindi ka gigising…

Teka, pansin ko lang, paulit-ulit ang mga katagang sinasabi niya…hindi kaya?!

Ang laki kong tanga!

Tumagilid ako ng higa at doon nalaman ko nga na ang cellphone ko pala ang kanina ko pa naririnig. Alarm ko nga pala ang voice recording ni Katy. Well, siya ang gumawa nito…noong Masaya pa kami.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon