“Ano na nga ulit yung tawag dun? Liquidphobia?”
“Hindi, tanga! Aquaphobia yun.”
“G-go! Ang tatanga niyo, Hyperopia yun!”
Naglalakad kami ngayon nila Ron, Gab at Emac pauwi, tapos na kasi ang klase, gusto daw nila akong ihatid eh, baka daw mapano ako sa daan. Ginabi kasi kami.
“Hoy! Ano bang pinag-uusapan niyo? Puro mali naman yata mga sinasabi nyo.” Pagsali ko sa usapan, nabibingi na kasi ako sa pagtatalo kanila.
“Ah…nag-iwan kasi ng assignment yung teacher namin sa Science kanina, yung mga Phobia daw, eh ano na nga ulit yung phobia sa tubig?” sagot ni Emac.
Napatawa tuloy ako ng malakas sa mga sinabi nila, ano ulit yung mga yun, liquidphobia? Aquaphobia? Hyperopia? Langya.
“Eh mali naman kayo lahat eh, haha, wag na kayo magtalo.”
“Ano ba tama?”
“Hydrophobia!!!”
“Ahhhhhh…”
Habang nag-aasaran yung tatlong mokong sa likod ko, bigla ko namang naalala si Jared, hindi na kasi siya nagpakita ulit kanina sa amin matapos niyang marinig yung sinabi ko.
Ano na kayang nangyari dun? Nag-sorry naman ako, hindi ko naman intension na saktan siya.
Sadyang nagiging mababaw lang talaga siya pagdating sa Girlfriend niya.
“Kate, can we talk?” natigilan ako bigla nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Si Jared. Nakakagulat talaga siya dahil bigla-bigla na lang siyang sumusulpot. Isa pang nakakagulat ay may pasa siya sa gilid ng kanyang labi. Hinawakan ko ito.
“A-aray.”
“Napano ka Best? Saan ka nanggaling?” pag-aalala ko.
“Oo nga, Jared, anong nangyari? Sino ang gumawa niyan sa’yo?” tanong din ni Ron.
“Ah wala ‘to. Tara na Kate.” Pagyaya niya sa akin.
Napatingin ako sa tatlong kasama ko kanina, asking for an approval, Tumango sila. Kaya sumama na ako kay Jared.
Kinuha niya ang kamay ko. Salamat dahil kahit paano ay natutupad nito ang mga panaginip ko.
Dinala niya ako sa kabilang direksyon kasalungat ng inuuwian ko. Tahimik pa rin siya, kaya naman napagpasyahan kong basagin ito.
“Ano ba talagang nangyari Best?”
Hindi siya agad sumagot sa tanong ko, sa halip, pinisil niya ang palad ko. Nanahimik na lang ako.
Medyo malayo na rin ang nararating namin at napansin kong habang papalayo kami ng papalayo ay unti-unting naglalaho ang bakas ng siyudad, wala nang streetlights, madilim na ang paligid ngunit naaaninag ko pa rin ang matataas na puno na nadaraanan namin, maliwanag kasi ang buwan ngayon.
Imagine ha, naglalakad lang kami kaya talagang halos mapudpod na ang swelas ng sapatos ko sa layo ng binabaybay namin.
“Best, malayo pa ba? Masakit na ang mga paa ko. San mo ba talaga ako dadalhin? Masyado nang lumalalim ang gabi.”
BINABASA MO ANG
She's My Number Two
FanficSabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba? Paano naman kung dumating ang panahon na kailanganin ka rin niya, ang kundisyon nga lang, magtatago kayo sa isang malaking kasinungali...