25. Everywhere, Everything

2.5K 43 5
                                    

>LIZ’z POV

Masakit ang ulo ko nang magkaroon ako ng ulirat sa isang kuwarto. Naramdaman ko kasi na may yumuyugyog sa katawan ko.

Dahil sa inis ay napaupo na lang ako.

“Ano ba?!” pag-aasik ko, gusto ko pa kasing matulog.

“Liz, buti naman gising ka na.”

“oo talaga! Ginising mo kay—“ napatigil ako, at napatingin sa kausap ko.

Sh*t. si Emac, ba’t siya nandito? At saka, nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin ko…mmm, malinis naman ang lugar kulay blue and black ang wall paintings, may nakasabit na medals and trophies sa paligid…pero teka parang hindi ko yata ito kuwarto! Swear! Hindi ko ito kuwarto!

“Nasaan ako?!” I exclaimed.

“Sa kuwarto ko.Hindi kita maiuwi sa bahay mo kagabi eh, you’re in a deep sleep.” Casual niyang sagot.

Halos mapaluwa ang mata ko. Sh*t! anong nangyari?!

“…don’t worry, walang nangyari,” and there goes my mind reader again. “seriously, wala kang naaalala Liz?”

 Pinilit kong umalala ng kahit ano pa man, pero wala talaga eh. Pagkatapos kong matumba, everything went black.

I shook my head.

Napangiti siya at sinandal ang likuran sa sofa  na kinauupuan niya ngayon. Pure black leather ito, pansin ko dahil sa pagkakapino ng texture.

“Hindi ka ba magkukuwento?”

“I’m glad you asked. Ayoko kasing mauna, baka ayaw mo na kasing malaman.”

 Sa tono ng pananalita niya, iba ang nava-vibes ko, mukhang may hindi ako kanais-nais nanagawa.

Shoot.

“Pero teka…bakit…bakit ako nagkaganun kagabi?” pauna kong tanong.

Sa pagkakatanda ko, rootbeer lang ang ininom ko, ni hindi nga ako bumunot ng chips eh.

He fixed his eyes on me.

“You got drunk, It was my fault sorry, I gave you vodka 7, it wasn’t a rootbeer. My mistake. Hindi ko talaga sinasadya, pasensya na, magkamukha kasi ang packaging ‘non tsaka ng rootber, at magkatabi pa sila sa convenient store na pinagbilhan ko kagabi.” He said it in his most sincere way.

Pero kahit na…hindi ako umiinom ‘no! I’m not a drunkard. And never in my life have I tried anything with liquor content.

I swear I’m gonna kill him for this.

My fists curled into a ball, pinipigilan ko pa ang sarili kong manakit ng tao.

“Wait! What’s that!?” He asked, pertaining to my hands, siguro halata naming galit na ako diba? Hindi pa ba?

“Nakakainis ka! Naiinis ako sa’yo!” imbis na paliguan ko siya ng suntok, hinagis ko na lang ang lahat ng bagay na pwede kong itapon sa kaniya.

She's My Number TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon