Glasses Twelve : Out Of Control.

313K 8.2K 643
                                    



--

GLASSES TWELVE : OUT OF CONTROL.

Sabrina's POV :


"I like it," He whispered. "Tanya."


I can't barely move at isa lang ang pumasok sa isip ko.


He was so close the one wrong move, his lips will touch mine.


Three seconds kiss.


Napahawak ako ng mahigpit sa may upuan, hindi ko alam pero bigla akong napapikit sa kaba. Oo kinakabahan ako, bukod sa para na siyang nababaliw sa ginagawa niya, kinakabahan din ako sa pwedeng mangyari. Pag gumalaw ako katapusan na ng pinaka iniingat – ingatan kong first kiss.


Pero baka kung ano mangyari sakin dito kapag hindi ako kumilos, napadilat ako at nanlaki lang yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya, nakangisi naman siya habang nakatingin sakin. Naduduling na ko. Naduduling na talaga ako! Naramdaman ko na yung init at naaamoy ko na yung bango ni hininga niya. Anong mouth wash ang gamit niya? Jusko!


Kinagat ko yung labi ko saka mariing pumikit. Bahala na si Batman! Basta makaalis lang ako dito! Huminga ako ng malalim atsaka,


"Shit!!" Napadilat ako, "What the fck?!!" Reklamo niya habang nakahawak sa kaliwang pisngi niya. "Did you just fcking punch me?!" His cold stares were like daggers. Sa itsura niya mukha na siyang sasabog anytime, he's mad. Malamang, kahit sino naman sigurong masuntok sa pisngi magagalit.


"Oh my goodness, I'm so sorry." Nag peace sign ako habang nangingisi, "Hindi ko sinasadya promise. Hindi ko talaga siya sinasadya. Kasi naman ikaw eh!" Sabi ko, "Sorry ha? Sige! Sige! Bye!" Saka ako nagmamadaling lumabas ng sasakyan kasi feeling ko talaga sasabog na siya. "Salamat!!"


Mabilis akong lumayo sa sasakyan at tinignan to, inaasahan kong may maririning akong sigaw or may magwawala man lang or lalabas man lang siya ng sasakyan niya para pigilan ako at baliin yung mga buto ko kasi nasuntok ko siya pero walang nangyaring ganon kahit isa.


Nagtataka akong tumitig sa sasakyan, wala talaga? Napaatras naman ako ng bigla siyang lumabas ng sasakyan habang naka ngisi. Ang gwapo niya don, seryoso. Pero ang weird kasi parang wala lang sa kanyang nasuntok ko siya, naka ngisi na kasi agad eh.


Daya naman neto, nasaktan yung kamay ko samantalang siya parang wala lang? Ugh.


"Hindi ka pa aalis? Umuwi ka na dali." Pervert ka eh! May palapit lapit pang nalalaman! Ganyan ba side effects ng pagiging arrogant monster?! Pervert?!


Pero hindi niya ko pinansin, sumandal lang siya sa sasakyan niya saka nilagay yung magkabilang kamay sa bulsa. Paano niya nadadala yung ganon kasimpleng gestures? Ibang klase. Pero mas gusto ko parin kung si Jhano gagawa niyan, mas bagay sa kanya.


"Just go inside, Tanya." Sabi niya habang nakatingin sakin.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon