--GLASSES TWENTY – TWO : STUPID CUPID.
Sabrina's POV :
Peeep! Peeep!
Napangiwi ako sa sunod sunod na pagtunog ng kung ano man yong maingay na yon galing sa labas. Agad kong tinakpan ng unan yung mukha ko saka natulog ulit pero sadyang ayaw ata talaga magpatulog ng walanghiyang taong yon kaya napalitin akong bumangon sa kama kahit na labag na labag sa loob ko.
Hindi ko magawang idilat yung mga mata ko kasi ramdam na ramdam ko pa yung antok ko. Sino ba naman kasing baliw ang bubusina ng ganon kalakas?! Dinilat ko yung isang mata ko at nilingon yung alarm clock ko, "5:00am pa lang! Jusko! Sinong walanghiyang maingay to?!" Sabi ko saka marahas na ginulo yung buhok ko at tumayo.
Pumunta ako sa bintana para silipin yung ingay na nanggagaling sa labas. Humihikab hikab pa ko ng hawiin ko yung kurtina pero bigla akong nasamid ng makita kung sino ang dahilan ng ingay. "Oh my goodness!" Nanlalaki yung mga mata ko habang nakatingin sa isang itim na Audi r8 na naka park sa tapat mismo ng apartment. Nalipat naman yung tingin ko sa lalaking nakasandal sa sasakyan habang nasa bulsa yung magkabilang kamay.
Naka ngisi siya habang deretso ang tingin sakin, lalong nanlaki yung nanlalaki kong mga mata. Tinagilid niya yung ulo niya at tumango, umayos siya ng tayo at naglakad na papasok ng apartment. Agad kong sinarado yung kurtina at pumunta sa salamin, "Shit! Nakita niya kong ganto! Ang pangit ko!" Sabi ko habang nakahawak sa magulo kong buhok.
Nagmamadali akong dumeretso sa CR atsaka mabilisang naghilamos, lalo akong nataranta ng marinig ko na yung sunod sunod na pagkatok sa pinto. "Saglit lang!" Sigaw ko habang nagpupunas ng mukha. Tumakbo ako papuntang salamin atsaka sinuklay yung buhok ko gamit nag mga kamay ko. Napakagat ako ng labi ng marinig ko na naman yung sunod sunod na katok.
Mula sa kwarto ko, tinakbo ko yung distansya ng pinto. Inayos ko muna yung damit ko atsaka pinagbuksan yung kanina pa naiinip na halimaw. Agad niya kong tinaasan ng kilay ng buksan ko yung pinto, bahagya akong nailang ng titigan niya ko, "Oh, ano?" Tinaas ko yung isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.
Ngumisi siya at bahagyang umiling, "You forgot to wear your glasses, Tanya." Aniya habang nakatingin parin sa akin. He looks completely amused. Napahawak ako bigla sa mukha ko, wala nga akong suot na salamin! "But damn, you look so beautiful."
Feeling ko namula ako sa sinabi niya kaya agad kong tinakpan yung pisngi ko. Bahagya syang tumawa sa ginawa ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga aga nanggugulo ka!" Sabi ko habang inaayos ko yung lamesa para sa mga pagkain.
"It's called courting, Tanya. I do remember telling you that I will court you." He looks at me trying his best to stop himself from smiling.
Inirapan ko siya, yeah right! Hindi ko nga matandaan na pumayag ako sa sinabi niya. Ugh.
"I will court you." He said with authority.
Muli akong napangiwi sa narinig. Okay? Kailangang ulitin? "You're paying my brother's hospital bill in exchange of me being courted by you?" Tinagilid niya yung ulo niya at tumingin lang sakin. "Baliw ka ba?" Napahinga ako ng malalim at muli siyang tinignan.
"No, Tanya. I'm serious." He voice was cold and serious. Bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya, bakas sa mukha niya na seryoso nga sya sa mga pinagsasabi niya. Pero bakit?! Hindi ako pwedeng pumayag ng ganon ganon na lang!
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...