--
GLASSES FIVE : WELCOME TO THE STAR SECTION.
Sabrina's POV:
"Gi, aalis na ko ha? Paka bait ka. May pagkain ng nakahain jan sa lamesa." Tinignan ko yung sarili ko sa salamin saka nilagay yung glasses ko.
Tumayo siya saka ako hinalikan sa pisngi. "Ingat ka Ate. Loveyou." Kinuha niya yung cellphone niya, "Nagteks narin naman sakin si Denver, baka pumunta siya dito mamaya." Tumango ako saka kinuha yung bag ko.
"Sige na, baka malate pa ko. Yung mga gamot mo ha."
"Ako na bahala dito Ate. Sige na, pumasok ka na--" Napatingin kaming dalawa sa pinto, may kumakatok.
"Oh, nandyan na agad si Denver?" Tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya, lumapit ako para buksan yung pinto. Bago ko pa man mabuksan talaga yung pinto, bigla ng dumamba ng yakap sakin si Vanilla. "Ahh!" Sa sobrang gulat ko muntik na kaming ma out off balance.
"Ate Tanyiii!" Sigaw niya sa tenga ko. Ugh! Yung boses niya! Sobrang higpit din ng yakap niya. Grabe talaga tong batang to. "Ate Tanyii! Namiss kita ng sobra! Waaaa! Grabe! Ang ganda ganda mo parin Ate Tanyii!" Aniya.
"Vanilla.. Hehe. Vanilla." Tawag ko sa kanya habang marahan ko siyang tinatapik sa balikat. Hindi ako masyadong makahinga.
"VANILLA!!" Narinig kong saway ng kapatid ko na agad namang sinunod ni Vanilla, ngumuso siya habang unti – unting bumibitaw sakin. "Anong ginagawa mo dito?!" Halata sa boses ng kapatid ko yung pagka irita. Bahagya naman akong natawa.
"Binibisita ka Labs. Ano pa ba?" Ngumiti siya saka niyakap sa bewang si Gino. Ang cute nilang tignan grabe kahit halata mong ayaw ni Gino sa ginagawa ni Vanilla, ang cute parin nila.
Ngumiti ako sa kapatid kong nanghihingi ng tulong, "Papasok na ko ha? Wag kayong makulit dito." Inayos ko yung uniform ko saka binuksan yung pinto.
"Sige Ate Tanyii, bye bye! Ingat ka!" Kumaway kaway pa si Vanilla, natawa naman ako. Lumabas na ko pero narinig ko pa yung pagsigaw ng kapatid ko.
"Lumayo ka nga sakin!!" Aniya. Umiling na lang ako habang naka ngiti saka bumaba para pumasok na ng school.
Wala namang nangyaring hindi maganda sakin nang pumasok ako sa school, iniiwasan ko din kasing mabully since wala na talaga akong pambili ng uniform ko. Buti na lang at tahimik ang pagpasok ko, wala din nangyari sa room bukod sa hindi nila pagpansin sakin.
Hindi ko kasi kaklase sila Ella kasi pangalawa sila sa pinaka mataas na section habang ako, kasama sa mga huli kaya wala din akong mga kaibigan dito bukod sa sarili ko. Tahimik akong umupo sa upuan ko sa gilid ng classroom. Maingay ang mga kaklase ko, parang may parlor dahil sa kakaayos nila ng make – up nila. Pero kahit ganon, kitang kita mo parin yung pagiging elite nila sa mga kilos nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/1834386-288-k752748.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...