Hi MissCuttieBiancake! :) I'm so sorry for the delays, huhu. Nakalimutan ko talaga ung date pero hindi ko nakalimutan ung request mo. Huhu. Sorry talaga from the bottom of my heart. Here's your birthday present! Hope you like it. Belated Happy Birthday dear! :) 3 days delay. hihi November parin naman. Take care! xoxo
--
CHANGE NINETEEN : MADNESS.
Vince's POV :
Isang oras din ang binayahe ko simula sa condo ni Tine hanggang dito sa bahay nila Jacob. Lanya talaga to sa layo, kahit naka kotse na ko di parin maiiwasang sumakit ung pwet aba. Buti na lang hindi na siya dito nakatira. Hay buhay.
Naalala kong birthday nga pala ni Tita Janice ngayon, mama ni Jacob. Sana pala sinama ko na sila Baluga. Kung alam ko lang talaga, maski sila nakalimutan din ata.
Pumasok na ko ng bahay--ahh tngna, mukha pa kong mag gagala lang sa suot ko. Banas! Napahinga na lang ako ng malalim saka nagderetso sa loob, ang dami ng tao lanya. Bakit di ko alam na engrande pala ung celebration ni Tita Janice? Tsk, yaan na nga. 6:30pm pa lang pero ang dami ng tao.
Inaayos ko na lang ung damit ko at ngumiti sa mga bisita. Gwapo ko talaga.
It's showtime.
Hahanapin ko muna ung mga kumag, di man lang ako sinabihan. Umakyat ako ng second floor saka pinuntahan ung kwarto ni Jacob, pagkabukas ko ng pinto--ayun ung mga gago, naglalaro ng baraha.
"Aba punyeta kayo! Bakit di niyo ko sinabihan?!" Bungad ko sa kanila pagpasok.
Napatingin naman sakin si Shark, "Sinabihan ka, di mo lang naalala. Nakalimutan ko nga din eh, wag kang mag - alala tol. Kakarating ko lang din, mga dalawang oras na nakakalipas."
"Ulul." Sabi ko saka sila nagtawanan.
"Tara sumali ka muna!" Aya ni Jacob.
Lumapit naman ako sa kanila at umupo sa isa sa mga beanbag, "Asan ung dalawa? Ung mga VIP."
"On their way na daw." Sabi ni Shark.
"Where are the girls? Lora?" Sino pa ba magtatanong niyan? The one and only, chinese boy.
Napahinga naman ako ng malalim saka sumandal, ahh! Sarap mabuhay! "Ewan, hinatid ko lang si Ella sa condo ni Tine eh, andun silang lahat." Agad namang kinuha ni Macoy ung phone niya para kontakin ung fiancee niya. Hay keso.
"Nakalimutan din nila? Aba hayop kayo ha. Tatampo sa inyo si Mama pagnalaman niya yan." Pang aasar ni Jacob.
"Chill bro. Nakalimutan lang naman, sa dami ba naman ng nangyayari eh." May point to si Shark! Sa wakas! Gumana din ung utak ni kumag!
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Dla nastolatków[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...