--
GLASSES EIGHTEEN : TERRIFIED.
Sabrina's POV :
Nagmamadali akong pumunta sa Music Room ng makita ko si Macoy na naka – upo sa isa sa mga bench. Napatigil ako saka siya tinignan, mag – isa lang siya, nasaan yung iba? Medyo nag – aalinlangan pa kong tawagin siya pero bahala na.
"M-Macoy!" Bigla naman siyang napatingin kaya ngumiti ako ng pilit at kinawayan siya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo saka lumapit sakin at niyakap ako.
"Sabrina! Yíhàn!" ( Sorry! )
Agad namang napataas yung kilay ko at nagtatakang tumingin sa kanya. "Macoy? Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali ah?" Natatawa kong sabi sa kanya.
Umiling siya, "I'm sorry for avoiding and not talking to you these past week. Leaving you clueless and all, I'm sorry, Sabrina. Ang hirap mong hindi kausapin, hindi ko kayang hindi ka pansinin."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Macoy, ang cute lang. Natutuwa ako, na touch ako ng sobra. "It's okay, Macoy. Naiintindihan ko naman, maybe you have some issues that shouldn't involve me, right?"
Saglit siyang natigilan pero agad din namang tumango, "Right, Sabrina." Inakbayan niya ko pero agad din kaming napatingin sa dalawang lalaking papunta sa direksyon namin.
"Sabrina Babes! / Sabrina!!" Tawag sakin ni Shaun at Jacob na bigla na lang din akong niyakap. Hindi ako aware na National Hugs Day pala ngayon!
"Woah! Ano meron? National Hugs Day?" Natatawa kong tanong saka sila humiwalay sa yakap nila sakin. Nakita ko naman yung mga pa cute nilang mukha.
"Sabrina Babes, sorry na. Alam mo namang hindi ka naming kayang tiisin. I really don't know why we did that to you." Sabi ni Shaun saka umiiling iling.
"Sabrina, sorry kung di ka namin pinapansin. Baka kasi iniisip mo na may nagawa kang mali kaya kami umiwas sayo pero wala Sabrina, promise. Wala talaga." Sabi ni Jacob.
Natawa naman ako saka sila hinampas sa braso. "Ano ba kayo! Okay lang yon, medyo nakahinga na ko ng maluwag kasi akala ko talaga may nagawa akong mali."
Umiling si Shaun, "Ikaw Sabrina Babes may gagawing mali samin? That won't happen! Never! And yeah, about what happened earlier, I talked to Kirsten, she won't bully you anymore. Trust me."
"I doubt that." I murmured.
"You're our girl, no one can hurt you." Feeling ko namula ako sa sinabi ni Jacob, napaka swerte ko naman sa kaibigang ganito.
Ngumiti ako, "Ano nga pala ginagawa niyo dito sa Music Room?"
Nagtataka naman silang tumingin, bigla naman akong kinurot sa pisngi ni Shaun. "Nakalimutan mo na ako?" Saka siya ngumisi.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...