Glasses Sixteen : Too Much Humiliation.

286K 7.7K 718
                                    



--

GLASSES SIXTEEN : TOO MUCH HUMILIATION.

Sabrina's POV :


Minsan talaga mahirap intindihin ang isang tao, o kung ilan pang tao yan. Yung tipong hindi mo alam kung ano gagawin kapag bigla silang nag – iba. Hindi ko rin maintindihan, mapapaisip ka pa kung meron ka bang nagawang masama o ano.


Hay. Feeling ko tuloy wala akong lakas pumasok ngayon. Parang hangin lang din naman yung mga nakakasama ko, dati gustong gusto kong hindi ako pinapansin ng mga tao pero ngayon, nalulungkot na ko. Lalo na't pati sila Jhano, hindi na rin ako nakikita.


Napabuntong hininga na lang ako saka lumabas ng kwarto. Ganito naman yung buhay ko dati diba? Hindi pinapansin ng mga tao, eh ano tong dinadrama drama ko ngayon diba?


Nakita ko naman yung kapatid kong busy sa pagbabasa ng libro. "Gino, papasok na ko ha." Lumapit ako sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.


Tumango siya, "Sige Ate, ingat. Love you."


"Love you too. Tumawag ka ha kapag may nararamdaman kang di maganda, yung mga gamut mo din!"


"Yess boss! Sige na Ate, pumasok ka na. Babye na." Kumaway kaway pa siya sakin, natawa naman ako saka tumango at lumabas na ng apartment.


Wala talaga akong gana pumasok ngayon. Wala din naman akong makakausap at makikita ko lang din yung halimaw na yon. Hindi ko parin nakakalimutan yung nangyari samin kahapon sa Simbahan! Grabe talaga! Feeling ko sasabog na ko anytime non pero siya parang wala lang. Ugh. Sana hindi siya pumasok ngayon.


Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga ako hanggang sa makapasok na ko ng at makapunta sa room. Pupunta na sana ako sa likod ng bigla akong mapatigil, nandun na sila pero ganon pa din, ilag pa din sila.


Nag – uusap usap sila ng bigla silang mapatingin sakin, their expressions were blank kaya ako na yung nag – iwas ng tingin. Napakagat ako sa labi ko saka umupo sa tabi ni Lora, yung kaklase naming Fil-Am, she's pretty at sa mga kaklase ko ata dito, siya lang yung ka close kong babae.


"Hi Sabrina!" Nakangiti niyang sambit.


Ngumiti ako, "Hi Lora."


"Why are you sitting here next to me?" Nagtataka siyang tumingin sa likod at tumingin ulit sakin, "You don't want to seat with them anymore na?" Umiling ako at bahagyang ngumiti, "Oh, they don't make pansin din sayo? That's weird."


Nagtataka naman akong tumingin sa kanya, "Bakit? May alam ka ba kung bakit sila ganyan?"


She shrugs, "All I know is they've been like this before, it's like a silent treatment. They're too serious and its making everyone freak out. I don't know the reason kung bakit sila ganyan but I think it's been years since the last time they were like this. All the students were actually surprised by their sudden coldness but I'm more surprise kung bakit ka damay sa coldness nila." She said.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon