--
GLASSES THREE : HER LIFE BEHIND THE GLASSES.
Sabrina's POV :
Like the usual, humiwalay na ulit ako kila Ella since hindi naman sila makakasama sa Stuart's kasi may iba silang pupuntahan bigla. Pero sabi naman nila na dadaan sila mamaya bago sila umuwi.
Stuart's. Diyan ako nagtatrabaho, yes! I am a working student, kailangan, kasi kaming dalawa na lang ng kapatid ko. Our parents died in a car accident, 7 years ago then a year after, our sister passed away at the age of 16 for saving my brother's life when he was drowning.
Life's rough for us I know. I never thought na pwede pa lang mangyari samin yung ganong klaseng experience. I might as well say na nakakabaliw, it's just the two of us left. Wala kaming contact sa mga relatives namin, I don't even know anyone of them. Luckily, marami namang tumutulong samin at sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila. For 6 years, nakaya kong buhayin kami ng kapatid ko.
And yes, it's all worth it.
Bumaba ako ng jeep nang makita ko na yung Stuarts, pagbaba ko pa lang nakita ko na kung gaano kadami yung taong gustong pumasok. Unlike any other bar, yung Stuart's Bistro is pwede sa lahat ng tao. Lalaki, Babae, may asawa, mag boyfriend, family, oldies—everyone is welcome.
Ngumiti ako ng makita ko sila Kuya B1 at B2, bouncers sila ng Stuart's pero hindi sila yung tipo na nanghahagis sa labas ng bistro kapag may nanggugulo. Though malalaki ung katawan nila, they never used it to hurt someone. They are very approachable, trust me.
"Kuya B1! Kuya B2!" Nakangiti ako habang papalapit sa kanila.
Ngumiti din sila atsaka nakipag apir sakin, they greeted me atsaka ako pinapasok sa loob. Kasama sa rules ng Stuart's is to always smile and it's a must. Kasi sabi ni Tito Stuart, it attracts people saka for better interaction na din daw sa tao and that never fails.
Pagpasok ko pa lang sa loob nakikita ko na kung gaano ka—how should I define this? Alive. Yung atmosphere—well, pagpasok mo kasi sa Stuart's, it's not a typical bistro. Aside from being a small restaurant, medyo may pagka bar din yung itsura niya. Hindi siya ganon ka dilim, enough lang para mafeel mong nakaka realx talaga.
May second floor siya which is pabilog, so makikita din nung mga nasa taas yung nangyayari sa baba. May bar counter din kami sa taas na, inooperate ng dalawang bartender, si Kuya Bogs saka si Ate Becca.
May mini stage din sa unahan para sa mga magpeperform at para narin sa emcee naming si Ate Bunny, sa right side naman makikita yung sound system at ung sobrang cool na DJ namin na si Ate Bam. Lahat sila kumaway at nginitian ako ng makita ko, ganun din naman ako.
"Bunso!!" Napatingin ako sa tumawag, lumaki yung ngiti ko ng makita ko yung napaka gwapong si Kuya Billy. Lumapit ako sa kanya at umupo sa isa sa mga bar stool. Nakipag apir ako sa kanya, "Kamusta naman?"
"Okay lang Kuya! Si Kuya Luis?" I wandered my eyes around pero hindi ko siya makita. Si Kuya Billy and Kuya Luis naman is anak nila Tito Stuart, isa sila sa mga nagmamanage nitong bistro. Well, they're on their 20's kaya yakang – yakang na nila.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...