Glasses Four : 5 Ways To Notice You.

521K 10.3K 1K
                                    



--

GLASSES FOUR : FIVE WAYS TO NOTICE YOU.

Sabrina's POV :


"Ang gwapo parin niya noh Sabby?" Sabi sakin ni Ella habang nakatitig siya sa lalaking dumaan sa harap namin. Tumango ako habang titig na titig dun sa lalaki, bigla akong napangiti at naramdaman ko din yung pagpula ng pisngi ko.


Ang gwapo gwapo mo talaga, Daren Jhano Hyun.


How can someone be so attractive even when they're walking? O talagang ako lang nakakapansin non? Or maybe kaming lahat na nagkakagusto sa kanya-all the girls in our school to be exact.


Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy sa paglilipat ng notes ko na nakalagay sa pad. Hindi niya rin naman ako mapapansin, sino ba naman ako diba? Pero siguro kahit isang tingin lang niya sakin, okay na ko. "Magsulat ka na lang ulit Ella." Sabi ko sa kanya ng hindi parin siya tumitigil sa kakatingin.


"Ay nako Sabby! Dapat jan nagpapacute ka na eh!" Napangiwi ako sa sinabi niya, tumaas taas yung kilay niya habang nakatingin sakin, "Maganda ka Sabby! Wag ka ngang nega jan."


Umiling ako, "Tumigil ka jan."


"Best friend, dali na. Kelangan ka niyang mapansin, diba nagkaron ng kayo ng close interaction? Sign na yon na kailangan niyo ng ipagpatuloy kung ano yung nasimulan niyo!" Masaya niyang sambit.


Napatingin ako sa kanya, seryoso siya. Medyo natatawa ako kaya hindi ko na lang siya pinansin saka nagsulat ulit pero nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung pad at ballpen ko. "Uy!" Saway ko pero hindi niya ko pinansin.


Nagsimula siyang magsulat sa papel ko, "Alam mo Sabby, kung di ka gagawa ng move ngayon forever nganga ka, forever waiting in vain! Kaya eto, gagawa tayo ng list para mapansin ka ng crush mo." She wiggled her eyebrows.


Napasinghap ako, "Seriously Ella?! Nako, tigilan mo nga yan! Maglilipat pa ko ng notes!" Sabi ko pero hindi niya ko pinansin.


"Okay, 5 ways to make your crush notice you." Sinulat niya sa papel at tumingin sakin habang nakangiti. "First, kailangan alamin mo kung saan yung paborito niyang lugar dito sa campus."


"Sa Library, dun sa pang limang aisle sa right side. May bintana kasi don kaya maliwanag, ayaw niya kasi sa madilim."


Tumango tango si Ella, "Alright, ganon ang gagawin mo. Lagi kang pumunta sa paborito niyang lugar--"


"Para saan?" Minsan talaga hindi ko maintinidhan to si Ella, bakit pa namin kailangang gawin tong mga to diba? Para saan?


She rolled her eyes, "Duh? Para mapansin ka niya! Ano ba naman Sabrina Tanya Romualdez!" Iritado niyang sabi, ngumuso na lang ako. "Syempre kailangan muna nating imaginine yung magiging outcome pag pumunta ka, simulan natin sa pagpunta mo sa favorite place niya."

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon