Glasses Thirty-Six : 101% In Love.

280K 7.5K 1.3K
                                    


HAPPY FIRST ANNIVERSARY IDTCN !! :D (8-12-13)

Grabe. Akalain niyo yun ? Isang taon na kong stuck dito sa kwento nila Sabrina ? Nakakaiyak ahh ! Ice yan. Haha! Maraming Salamaat sa mga patuloy na sumusuporta sa kwentong to. Nakakatouch *Teary eyes* Sana di kayo magsawa sa kanila. Ahahaha! Mas feel ko talagang mag - update t'wing gabi. Parang ang fresh fresh ng utak ko. Ang daming mapipiga. Lol. Isang Malanding(?) Chapter pala para sa inyo. :D ♥

--

GLASSES THIRTY-SIX : 101% IN LOVE.

Sabrina's POV :


"Love, don't you know the meet-the-parents stage?"


Halos lumawa yung mata ko sa narinig ko. "You're kidding right?" Umiling siya. Napalunok ako sa sagot nya. Mabilis ang tibok ng puso ko habang pahigpit ng pahigpit yung hawak ko sa seatbelt. "Please, stop the car." Naramdaman ko ang biglang paglamig ng buong katawan ko at pagpapawis ng mga kamay ko.


Tumaas ang kilay niya atsaka tumawa, "Why are you acting like that?" His voice was filled with amusement.


"Obvious ba? Bababa ako! Hindi ko kaya 'to! Hindi ko pa kaya 'to!" Halos atakihin na ko sa sobrang kaba pero tumatawa lang sya. "Anong nakakatawa?! Ibaba mo na ko! Uuwi na ko!" Kinakatok ko yung tinted window ng kotse niya habang ngumangawa-ngawa.


Hinihila naman niya ko palayo sa bintana habang natawa. "Tanya, stop acting like a baby. You look like a retard." Tawa parin siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin pero wala talaga syang pakielam! Nakangisi pa sya habang nagdadrive! Ugh!


Huminga ako ng malalim saka sumandal sa upuan. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon, Lemuel. Mahirap...sobrang hirap."


Ang alam ko isa 'to sa nakakakabang pangyayari sa buhay ng isang babae lalo na siguro sakin na ngayon pa lang mapapakilala sa parents in a...erhh..romantic way. Anong gagawin ko? Magugustuhan kaya nila ako? Iba ako sakanila...hindi ako mayaman. What if...what if I'm not good enough for them?


Tatanggapin kaya nila ako o ilalayo nila ako sa anak nila?


Katulad kaya sila nung mga kontrabida sa TV na magiging malaking hadlang sa relasyon na meron samin ni Lemuel? Pero mabait naman si Ate NaDi, diba? Feeling ko naman magiging okay din lahat?


Nagulat ako ng biglang hawakan ni Lemuel ang kamay ko at ngumiti. "Relax, Love. They will love you. I promise."


Napabuntong hininga, "Sana nga," Grabe! Sobrang kinakabahan na talaga ako. Hindi ko naman alam na engrande pala yung pupuntahan namin.


Marahan niya akong kinurot sa pisngi. "That's my girl. Let's go, it's getting late." Ugh. Sana traffic.




Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya habang papasok kami sa mansion nila. Iba 'to sa bahay nila na pinuntahan namin para magpractice ng play parang ancestral house nila 'to na may pinaghalong makaluma at modernong disenyo. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa naglalakihan nilang chandelier sa living room. Marami ng tao at patuloy parin ang pagdating ng mga tao.

He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon