--
GLASSES SIX : MYTHICAL FIVE.
Sabrina's POV :
Saturday ngayon, buti na lang wala kaming pasok. Isang linggo pa lang ako sa star section pero feeling ko sobrang tagal ko na. Hindi ko alam kung paano ako nakaka survive ng isang araw kasama sila, siguro dahil nanjan sila Macoy para samahan ako.
Mabait sila, actually sobra pa nga. Sobra yung pagwelcome sakin ng apat—hindi naman kasi ako pinapansin nung monster at hindi ko rin naman gustong pansinin niya ko. Kung ayaw niya edi wag. Minsan nga hindi ko alam kung sino yung mas mahirap pakisamahan kung yung mga kaklase ko ba o siya.
At sa loob ng isang linggong yon, hindi rin ako nakaligtas sa mga pang - iirap ni Kirsten. Parang kahit anong galaw ko binabantayan niya, lalo na pagnadidikit ako kay Shaun, may napapansin tuloy akong kakaiba.
Ala una na ng hapon, mamayang alas tres pupunta na ko kila Aling Baby para tulungan siya sa karinderya nila. Since wala pa naman akong masyadong ginagawa at tapos ko narin naman lahat ng assignments ko, binuksan ko muna yung laptop na galing pa sa Ate ko. Buti na lang uso WiFi dito sa apartment nila Mang Bitoy.
Binuksan ko yung Facebook ko, hindi rin naman ako mahilig mag ganto. Siguro pag talagang tinatamad lang ako or wala akong magawa saka ko sinisilip silip tong account ko. Nagulat ako ng biglang mag pop yung pangalan ni Ella sa chatbox ko.
Michaella Jacinto: Sabby?
Sabrina Tanya Romualdez: Oh? Bkit?
Michaella Jacinto: Kmusta life sa Star Sec?
Nung nalaman ko pa lang Star Section na ko, pagkatapos ng klase dumeretso agad ako kila Ella at Vince para sabihin sa kanila yung nangyari. Nung una, nagulat pa sila. Nasabunutan pa nga ni Ella si Vince sa sobrang tuwa kasi nagkaron na naman daw ako ng chance mapalapit kay Jhano.
Pero naka recover din sila agad at sinabing, hindi nga magiging madali yung pag stay ko sa Star Section. Kahit sila walang idea kung paano at sino ang nagpalipat sakin. Sabi naman nila Ella, deserve ko din naman daw mapunta sa section na yon kasi nga daw may ibubuga naman ako. Ewan ko kung nagjojoke ba sila o ano.
Sabrina Tanya Romualdez: Ay grabe. Jahe.
Michaella Jacinto: Tlaga? Keri mo yn Sabby!
Sabrina Tanya Romualdez: Haaaay! Sana nga! Akala ko may practice kayo ng cheering ngayon?
Michaella Jacinto: Ay oo nga pala! I forgot! May practice kami now, naki cngit lng ako kay Baks sa lappy niya. May papakita kc ako sayo!
Sabrina Tanya Romualdez: Ano yon? Tungkol saan?
Michaella Jacinto: This would be a big help para sayo Sabby! For you to know the Mythical 5 more, here's the link; www.park-hyunacademy.com. You can also see the Academy's history. Hihi! So ayun lang, out na me Sabby! See you soon! Loveyou!
Sabrina Tanya Romualdez: Ohh. Sige, thank you for this! Take care! Loveyoutoo! <3
BINABASA MO ANG
He's Dating the Campus Nerd
Teen Fiction[[ HE'S DATING THE CAMPUS NERD (PART ONE) PUBLISHED UNDER PSICOM PUBLISHING INC. ]] 'I can't escape the monster's trap.' Most of us says that High School will always be the best but not for Sabrina Tanya Romualdez--getting out of her school is prob...