Glasses Forty-One : Cold and Distant.

225K 5.7K 1.4K
                                    



--

GLASSES FORTY-ONE : COLD AND DISTANT.

Sabrina's POV :


Hindi ko na naitago yung pagkasimangot ko ng basahin ko yung message ni Lemuel. Pabagsak akong umupo sa sofa at saka bumuntong-hininga. Nakatitig pa din ako sa cellphone ko, nagbabakasakaling mali lang ako ng pagkakabasa.


"Hulaan ko," Nakasimangot akong tumingin sa kapatid ko. "Hindi ka na naman niya masusundo ano?" Ngumisi ako pero walang bahid ng pagkatuwa sa mga mata ko.


Pakiramdam ko sobrang lungkot ko dahil hindi na naman nya ko masusundo. Hindi na kami masyadong nagkikita, hindi katulad ng dati na araw-araw syang nandito sa bahay. Hindi na rin sya pumupunta dito t'wing gabi at bihira na lang din sya magtext or tumawag.


Magkakausap lang kami kapag ako unang magpaparamdam. Hindi ko alam pero sa t'wing tatanungin ko naman sya kung ano pinagkakaabalahan nya, lagi nya lang sinasabi na busy sya o di kaya ay magpapaalam na sya dahil pagod sya.


Napangiwi si Gino sa reaksyon ko, "Alam mo Ate, sabi ko na eh. Sinasabi ko na nga ba, mas maiging dapat si Kuya DJ na lang talaga. Tsk." Umiling-iling pa sya na halata mong nadidismaya.


Sinamaan ko sya ng tingin at hinagisan ng unan sa mukha, "Magtigil ka nga, Gino! Busy lang siya kaya hindi niya ko masusundo! Wag ka ngang O.A!" Inis kong sagot saka muling bumuntong hininga.


Naiintindihan ko naman na madami syang ginagawa. Madalas nag-aalangan na din akong magtext or tumawag sa kanya dahil baka naiistorbo ko na sya. Ayokong maging demanding o clingy na girlfriend pero sobrang namimiss ko na sya.


Siguro nasanay lang ako na lagi kaming magkasama kaya mabilis akong malungkot kapag sa school na lang kami nagkikita.


Lalo syang napangiwi sa inasta ko, "Sinasabi ko sayo Ate, pag lang talaga pinaiyak ka niyang kamag-anak ni Jackie Chan na yan. Mauuna pa talaga yan sakin kahit may sakit ako. Makikita nya." Sinuklay nya pa yung buhok nya gamit yung mga kamay nya. "Matitikman niya ang bagsik ng isang Romualdez. Tsk tsk."


"Korni mo, tigilan mo ko." Sagot ko dito at pumasok na lang ng kwarto.


Muli kong tinignan yung text nya sa akin, si Jhano na lang daw yung susundo sakin dahil hindi daw nya ko masusundo at may dadaanan pa sya.


Napabuntong hininga ako. Araw-araw ba may ginagawa sya? Simula kasi ng matapos yung exams namin naging sobrang busy na nya. Simula din noon si Jhano na yung sumusundo sa akin o di kaya sumasabay ako kila Vince.


To: Monster

Okay. See you later.

//Sent


Biglang lumabas yung pangalan nya sa screen ng matapos kong magreply. Lumakas yung tibok ng puso ko at napakalaki ng ngiti ko ng sagutin ko yung tawag nya.


"Hi, Monster!" Bakas sa boses ko yung tuwa.


He's Dating the Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon